EDITORIAL: Pangalagaan ang karapatan ng mga batang Filipino

November 19, 2019 at 6:52 am Leave a comment


Ang buwan ng Nobyembre ay idineklarang “ National Children’s Month” na naaayon sa Republic Act No. 10661 na may pamagat na “An Act Declaring the Month of November of Every Year as the National Children’s Month” na gumugunita rin sa Convention on the Rights of the Child na ipinasa ng United Nations General Assembly nuong November 20, 1989.

 Sa taong ito, ang tema ng selebrasyon ay “Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan tungo sa Magandang Kinabukasan,” na tugma sa ika- 30  Anibersaryo ng United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).

 Ang mga kabataan ang pangunahing yaman ng ating bansa pati na rin sa buong daigdig. Kailangang pagyamanin ang kanilang mga karapatan tungo sa isang maunlad na pamayanan. Hindi ito binibigyan ng pansin ng mga ibang tao dahil ang akala nila ang mga bata ay wala pang kamuwang-muwang sa lipunang ginagalawan.

Sa taong ito kinakailangang itaas ang kamalayan sa mga karapatan ng mga kabataan at protektahan ang mga ito. Kailangan ding itaguyod ang tinatawag na “ child-friendly at child-sensitive environment” sa mga paaralan at mga tanggapan, pampubliko o pribado man.

Sampu ang mga karapatan ng mga batang Filipino ayon sa UNCRC. Ito ang mga sumusunod:

1.     Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad;

2.     Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga.

Ang unang dalawang karapatan ng mga bata ay tumutukoy  sa kalinga ng pamilya. Ang bata ay may karapatan mula sa pagsilang na makilala at maalagaan ng kanyang mga magulang. Ang bata ay hindi dapat mahihiwalay sa kanyang magulang nang laban sa kanyang kagustuhan.

        3. Malayang pag-iisip, budhi at relihiyon. Dapat igalang ang karapatan ng bata sa malayang pag-iisip, budhi at sa pagsali sa anumang relihiyon.

        4. Malayang pagpapahayag.  Ang bata ay may karapatan sa kalayaan ng pagpapahayag na sumasaklaw sa karapatan na maghahanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at mga ideya sa lahat ng uri.

        5. Mabigyan ng sapat na edukasyon. Kinikilala ang karapatan ng bata sa edukasyon, batay sa pantay-pantay na pagkakataon, maging mahirap man siya.

        6.Buhay, Kaligtasan at Kaunlaran.  Ang bawat bata ay nagtataglay ng di maikakait na karapatan sa buhay. Dapat tiyakin, sa abot ng kakayahan, angkakayahan, ang kaligtasan at kaunlaran ng bata.

        7. Kalusugan.  Dapat kilalanin ang karapatan ng bata sa pagtamo ng pinakamataas na pamantayan sa kalusugan at pasilidad sa paggamot ng karamdaman.

        8. Matutuhan ang mabuting kaugalian at asal.  Paggalang sa nakakatanda sa kanila at lalo na ang pagkatakot sa Diyos. Karapatan din ito ng mga magulang o tagapag-alaga sa pagdudulot ng direksiyon at sa wastong paggamit sa mga karapatang ito.

        9. Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang. May karapatan ang mga bata sa pahinga at aliwan, sa pagsali sa laro at gawaing nakalilibang at sa malayang paglahok sa buhay pangkultura at mga sining.

        10. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan. Ang mga kabataan ay dapat bigyan ng proteksyon laban sa pangaabuso, panganib at karahasan. Ang mga karapatang ito ay magbibigay sa kanila ng sapat na lakas upang magbunyi para sa kanilang magandang kinabukasan.

Entry filed under: News.

MAGANES: Mental illness is real Bayambang opens ‘Paskong Disneyland’

Leave a comment

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 1,115,913 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2019
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,480 other subscribers