MAGANES: ‘Eh di wow, TSONA, Charot, atbp’

August 9, 2015 at 3:16 pm Leave a comment


vir
Buwan na naman ng Agosto at sa buwang ito ay ating ipinagdiriwang ang “ Buwan ng Wika”. Dahil dito ay payagan muna ninyo akong magsulat sa wikang Filipino para mapahalagahan ang selebrasyon ng wika. Ang wikang Filipino ay binubuo ng Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Pangasinan (hindi Panggalatok) at iba pang katutubong wika sa bansang Pilipinas na ayon sa Surian o Komisyon ng Wikang Filipino ay may mahigit na 185 na katutubong wika.
Ang wika ay may buhay. Araw-araw ay may mga umuusbong na bagong salita na nagiging bahagi na ng ating kultura. Sa mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter at Instagram, karamihan sa mga bagong salita ay nagmumula sa mga kabataan. Mga salitang “pabebe,selfie, groupie, dubsmash” at iba pang naimbentong salita ay bahagi na ng pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Noong Hulyo 27,sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA), si Pangulong Benigno Aquino III ay nakakitaan din ng kanyang pagkagiliw sa mga salitang pang-kabataan. Sa kanyang mensahe nagsabi siya ng “Eh di wow”, isang ekspresyon ng mga kabataan na tumutukoy sa isang bagay na di kanais-nais at isang sarkastikong tugon. Si Bise Presidente Jejomar Binay naman ay nagpahayag ng kanyang “True State of the Nation Address” sa Cavite State University na tinatawag na ring TSONA. Dahil dito, may reaksyon naman si Sen. Allan Peter Cayetano kay Binay na bago sana ng kanyang TSONA, TSALN dapat ang kanyang inuna. Ang TSALN ay “true statement of assets and liabilities” bilang tugon sa mga inihaing kaso bi Binay sa kurapsyon at “plunder”sa Office of the Ombudsman.
Ito namang Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay nagsabi ng “ charot” kung ano ang kanyang reaksyon sa TSONA ni Binay. Ang “charot” ay isang kolokiyal na salitang Filipino na ang ibig sabihin ay “patawa” o joke o isang bagay na huwag bigyan ng pansin.” Ang kampo naman ni Binay ay bumuwelta kay Lacierda at ito naman ang kanilang reaksyon sa SONA ni PNoy:” Ang SONA ng pangulo ay chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.” Ang wikang ito ay gay-lingo na ibig sabihin ay “ Ang SONA ng pangulo ay pangit sa mga tao dahil hindi makatotohanan.”
Ang mga ganitong palitan ng mga salita ay nagpapatunay lamang ang pag-usbong ng mga bagong salita na maidadagdag sa wikang Filipino. Ano ang ibig kong palabasin dito? Ang wikang Filipino ay buhay gaya ng mga ibang wika o lengguwahe ng mundo- Inglis, Pranses, Niponggo, Mandarin, Cantonese, Espanyol atbpa. Dahil ditto, ang mga salitang ginagamit na sa Pilipinas ay nabubuo ng mga wikang banyaga, katutubong wika, mga imbentong salita at mga salitang umuusbong sa social media. Ang mga ito ay magiging bahagi ng Wikang Filipino.

*******
Hindi pa man nagsalita si Senadora Grace Poe sa kanyang hangarin na kung siya ay tatakbo sa pagka-pangulo sa 2016, siya ay tinutuligsa na nga mga negatibong kritisismo. Kamakailan lang siya ay tinawag na “lasenggera, nagpa-rehab” at iba pang masasakit na salita upang sirain lang ang kanyang pamamagpag sa survey sa pagka-pangulo o di kaya ay sa pagka-pangalawang pangulo. Ang mga ito ay pinabulaanan ni Senadora Poe na walang hinanakit sa mga tumutuligsa sa kanya. Ang nasabi lang niya ay ang mga ito bahagi ng kulturang pulitikal ng ating bansa.
Kamakailan din, may nagsampa ng diskwalipikasyon niya bilang isang naihalal na Senador sa bansa at tinatanong ang kanyang pagka-Filipino at residensiya. Ang isang talunang senador ng pangalawang beses and nagsampa ng reklamo sa kanya sa Senate Electoral Tribunal (SET). Ang taong ito ay nawawala na yata sa kanyang sarili dahil kung siya ay matino ay dapat noon pa siya nagreklamo. Bakit ngayon lang? Dahil ba si Senadora Poe ay isang balakid sa mga ambisyon ng mga ibang pulitiko na maging pangulo ng Pilipinas?
Kung ako si Senadora Poe ang sagot ko na lang sa kanila ay “Eh di wow!” at “ Charot” sabay ismid at sabihing “ Chaka at Mismo!”
(Para sa inyong komento, mag email sa emperorvirgil@yahoo.com. Subaybayan ang aking blog “The Roving Pen” sa http://www.virgilmaganes.wordpress.com. Makinig sa aking programa sa radio “ ON YOUR MARKS, 2nd Edition”, Lunes, Miyekules at Biyernes sa alas-10:15 hanggang alas-11:00 ng umaga.)

Advertisements

Entry filed under: News.

Police arrest drug dealer in Manaoag Binalonan dads to suspend absentee colleague

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 666,963 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2015
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,353 other followers


%d bloggers like this: