EDITORIAL: Ang kahalagahan ng ‘social media’ sa bagong panahon

February 27, 2017 at 6:42 pm Leave a comment


 Ang pagpasok ng computer, internet, cyberworld sa ating henerasyon ay nagdulot ng mabilisang pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan sa buong mundo. Dati-rati, ang mga pinagkukunan ng mga impormasyon ay iyong mga tinatawag na “mainstream media” na kinabibilangan ng mga pahayagan, telebisyon at radyo. Subalit, sa pagpasok ng mga naunang nabanggit nagbago ang kalakaran sa impormasyon- naging mabilis at personal. Ang ugnayan ng bawat isa sa mga gumagamit nito ay napapadali.
 
Dahil sa mabilis ang pagbabago sa teknolohiyang impormasyon na nasa ating lipunan ngayon, hindi ito natingnan ng mga gumawa ng ating 30 taong Saligang Batas na sa ngayon ay nagdudulot ng kalituhan sa mga mamamayan. Ang Article 3, Section 4 ng 1987  Saligang Batas ay nagsasaad ng kalayaan sa “speech, expression, press, peaceful assembly at right to seek redress of grievances” na ang mga ito ay aplikable sa bawat mamamayang Filipino, propesyon, industriya, paniniwala at kultura.
 
Sa kalakaran ng teknolohiyang impormasyon, naglabasan ng mga website, emails, social media gaya ng Facebook, Instagram, Twitter at iba pa. Paano ngayon ito mahihiwalay sa mga impormasyong galing sa “mainstream media” na kung ating susuriin at titingnan ay mas malawak ang sakop nito? Ang mga impormasyon ba na galing sa mga “social media sites” gaya ng  mga naturan ay masasabing mga lehitimong impormasyon?

 
Maraming mga mamamahayag ang nagsasabing ang mga ito ay hindi makatotohanang paglalahad ng mga impormasyon dahil kulang sa tinatawag na elemento sa pamamahayag o journalism. Subalit, hindi natin mapasubalian na ang mga impormasyong mababasa diyan ay mas malawak at mas madaling maabot ng mga mamamayan.
 
Noong Pebrero 23, nagkaroon ng #ALL MEDIAPH FORUM sa University of the Philippines (UP) na kung saan ang ating pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay kinikilala niya ang kahalagahan ng “social media” sa makabagon panahon. At sa pagkilalang iyan ay kailangan ng mga regulasyon sa paggamit nito at hindi upang harangin o pigilan ang karapatan ng bawat isa sa pagsasagawa ng mga “posts” at “blogs” sa “social media”.
 
Marami ang dumalo sa pagpupulong na yon na kinabibilangan ng mga kilala sa akademya, pamamahayag sa telebisyon, radyo at pahayagan upang tugunan ang mga napipintong problema sa “social media”. Bukas ang mga diskusyon sa mga dumalo. Ang polisyang nabuo ay ang “social media” ay hindi makipagkompetasyon sa “mainstream media” kundi maging behikulo ito sa pagbuo ng malawakang impormasyon na makakatulong sa pag-usad ng pagbabago sa bawat isang Filipino.
 
Ayon nga kay Undersecretary Jose Maguiza Sy Egco, Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), “Wala dapat monopolyo sa impormasyon sa kaparehong prinsipyong wala dapat itinatago mapamasama man o mapamabuti.
Advertisements

Entry filed under: News.

BIR eyes large taxpayers for collection increase MAGANES: Is Edsa People Power still relevant today?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 657,007 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: