Crying is healthy

May 22, 2009 at 1:25 am Leave a comment


susan2“Laugh and the world will laugh with you, cry and you will cry alone.” Ito’y isang kasabihan na kung iintindihing maigi, eh, mukhang malayo sa katotohanan.

Likas sa ating mga Pinoy ang nakiki-iyak sa sino mang namimighati. May mga taong likas na mababaw ang luha; konting drama lang sa buhay, maging drama sa radyo at telebisyon, otomatic na parang waterfalls ang luha. May mga babaeng hindi maitago ang pagluha samantalang may mga lalaki namang bagama’t mukhang gusto nang bumigay at bumunghalit ng iyak, ay gumagawa ng kung ano-anong gimik para lamang mapigilan ito.

Bakit nga ba pinipigilan ng mga lalaki ang pag-iyak? Nakakahiya raw at feeling nila nakakabawas ng pagkalalaki. Pero lingid sa kaalaman nila, kahit naman ibang babae may mga pagkakataong nahihiya ring umiiyak, lalo na ang mga babaeng sobrang iyakin. Isa na ako doon. Nang magsabog yata ng luha ang Diyos isang lawa ang aking nasalo.

Kung minsan, ay, kadalasan pala, nauuna pa akong umiyak kaysa sa taong may malungkot na kuwento. Mapatitig nga lang sa telebisyon kahit hindi pa alam ang kuwento at may konting iyakan, umiiyak na rin ang lola nyo. Minsan nga na-1-2-3 ako dahil lamang sa drinamahan ako. Kaya nga hindi na nakakatuwa itong pagiging iyakin ko (o pagiging maawain?).

Marami ring pumatak na luha nang makita ko ang kalunos-lunos na anyo ng mga wasak- wasak na bahay na iniwan ng bagyong Emong. Paano na yong mga tatlong kahig isang tuka, tapos nawalan pa ng bahay? Minsan nakikinig lang ako sa kwentuhan ng ilang biktima at ni Bolinao Mayor Alfonso Celeste, wala pa halos nasasabi ang isang biktima kundi “Ayna apo! Ayna apo!”– aysus, ayan na po, pasikreto ko na lang pinupunasan ang luha ko.

Hindi na siya nakakatuwa ‘di ba? Parang nakakahiya na. Parang masarap din yong feeling na kunwari strong o matatag ka. Yong hindi agad bumibigay kung may kaharap na malaking problema. Lalo na sa uri ng trabaho ng isang media, na madalas ma-expose sa maraming uri ng drama sa buhay.

Sabi ng iba maganda raw ang pag-iyak kasi nailalabas ang tunay na emosyon ng isang tao. Malayo raw sa atake sa puso. Mas maraming advantages ang pag-iyak kaysa sa hindi marunong umiyak. Sa isang article na nabasa ko, naniniwala ang western world na ang pag-iyak ay therapeutic o nakagagaling at masama naman sa kalusugan ng isang tao ang hindi marunong umiyak. Isang paraan din umano ito ng pagre-release ng tension, na kung hindi ito maire-release malamang humanap ito ng outlet sa ibang paraan, katulad ng masamang epekto sa katawan at ang posibleng pagkakaroon ng karamdaman. Sa mga pag-aaral 94 porsyento ang nagrekomenda na hayaan lamang tumulo ang luha. Let tears flow.

Ayon sa mga psychotherapists, ang pag-iyak sa proseso ng pagte-theraphy ay mas nakakabuti kaysa nakakasama. But there are some exceptions to this general rule, katulad ng depression, at posibleng pakakaroon ng neuropsychological conditions at manipulative crying. Pero sa mas maraming aspeto, nakakabuti talaga ang pag-iyak. Kahit kung nasasaktan tayo o physically injured, crying to some extent, relieves pain. Sa statistics, mas maraming lalaki ang nagsu-suicide dahil lamang sa takot nilang i-express ang kanilang sarili at nahihiyang umiyak.

Bagama’t nakaka-inggit kung minsan ang ibang tao, nami-maintain ang composure during times when everybody feels like crying. Payo ng mga counselors, if you want to cry, go ahead! You can even cry out loud, kasi yong ibang tao naiinggit din sa iba na pinag-kalooban ng sandamakmak na luha.

In short, crying is healthy, so why be ashamed of being healthy?

Advertisements

Entry filed under: Opinion.

Regional police recognize mothers Bani appeals for help

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 910,287 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2009
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: