EDITORIAL: Titigil na kaya ang  ‘bookies’ ng jueteng sa Pangasinan?

January 9, 2018 at 10:52 am Leave a comment


 Wala na ang Golden Go Rapid Gaming Corporation (GGRGC) matapos na kinansela ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanyang prangkisa (franchise) na magpatakbo ng Small Town Lottery (STL) sa Pangasinan.

Office and Betting Station of Speed Game, Inc. at San Vicente, Urdaneta City.

Ang dahilan nito ay ang hindi pagtupad sa pag-remit ng P7.5 milyon kada araw o P225 milyon kada buwan sa PCSO. Sa pagkakansela ng prangkisa ng GGRGC, namayagpag muli ang mga “bookies” ng jueteng na gamit pa rin ang papelitos ng naturang korporasyon. Pero ayon sa mga mapagmatyag sa operasyon ng STL, kaya hindi diumano nakukuha ng target ng GGRGC ay dahil nandiyan na ang mga “bookies” na ang kita ay hindi na napupunta sa kaban ng PCSO. Hindi napatigil ng Philippine Natonal Police (PNP) ang mga ilegal na operasyon ng mga “bookies”.

Sa pagpasok ng taong 2018, pumasok naman ang bagong “player” ng STL sa Pangasinan. Ito ay ang Speed Game Inc. (SGI) na inaprubahan ng PCSO ang kanyang prangkisa noong Disyembre ng nakaraang taon. Bumaba ang kontrata ng SGI sa PCSO sa kabuuang i-remit sa tinatawag na “presumptive monthly retail receipt” (PMRR) – P3.9 milyon kada araw o P117 milyon kada buwan.

Upang maproteksiyonan ang operasyon ng SGI mula sa mga “bookies”, sumulat noong Disyembre 18, 2017 si PCSO General Manager Alexander Balutan kay PNP Regional Director Romulo E. Sapitula. Dahil dito, nagbigay naman ng direktiba si Sapitula noong Enero 2 kay Pangasinan PNP Director Ronald Oliver Lee upang bigyan ng order ng mga hepe ng PNP sa bawat bayan at siyudad sa Pangasinan na sawatain ang ilegal na operasyon ng jueteng sa lalawigan. Maipapatupad kaya ito?

Maganda ang hangarin ng STL. Ito ay upang mawala ang ilegal na jueteng na alam naman natin na ang kita nito ay napupunta lang sa mga payola at bulsa ng mga operators at maintainers nito. Ayon nga sa sulat ni Balutan kay Sapitula, sinabi nito na ang “tagumpay ng STL ay makakatulong sa pamahalaang nasyonal upang makalikom ng salapi para matulungan ang nakakaraming Filipinosa kanilang pangangailangang medikal. Kasama na rin diyan ang pupunta sa PNP mula sa “gross sales” ng STL.

Matagal ng problema sa bansa ang ilegal na jueteng. Bagamat may batas na Republic Act No. 9287 o “An Act Increasing the Penalties for Illegal Number Games”, hindi pa rin ito napapatigil. Ano kayang milagro ang nasa likuran ng kalakaran sa ilegal na jueteng na hindi man lang ito mawala sa ating lipunan? Sa pagpasok kaya ng SGI sa STL ay masimulan na ang malawakang kampanya para mapatigil ito? Hindi kaya may mga personalidad sa likuran ng mga “bookies” at ang mga ito ang nagsasabotahe ng operasyon ng STL?

Paala-ala lang sa ating mga mamamayan. Wala na ang Rapid Go Gaming Corp. Kung may mga kubradores pa rin na gumagamit ng kanilang papeletos, ang operasyon nito ay ilegal na. Tulungan naman natin ang ating pamahalaan na tangkilikin ang mga legal na operasyon ng STL ng PCSO para na rin sa kapakanan ng sambayanang Filipino.

Entry filed under: News.

Cops asked to assist Speed Game Mangaldan slaughters 35 cattle daily

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

January 2018
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: