EDITORIAL:   Dalawang mukha ng liderato sa Pangasinan

March 13, 2016 at 8:27 pm Leave a comment


Habang papalapit ang opisyal na kampanya ng mga lokal na kandidato sa Marso 25, lalong umiinit ang hidwaan sa pulitika. Ibat-ibang uri ng mga propaganda ang lumalabas sa mga larangan ng pamamahayag- radyo, lokal na pahayagan, telebisyon at sa “social media”.001 (2)
Sa Pangasinan, ang pulitika ay nakatuon sa mga mag-amang Espino at mag-asawang Cojuangco. Ang anak ni Gobernador Amado T. Espino Jr. ay lalaban sa pagka-gobernador kontra kay dating representante ng ika-limang Distrito na si Mark O. Cojuangco at si Gobernador Espino naman ay lalabanan si Representante Kimi S. Cojuangco ng ika-limang Distrito. Ang pagtutunggaling ito sa pulitika ay binabantayan ng mga Pangasinenses dahil ang mga ito ay matagal na magkasama at magka-alyado. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan ng nagpahayag si Mark Cojuangco na tatakbo sa pagka-gobernador noong Pebrero 10, 2014.
 Matindi ang mga personal na batikos sa mga Cojuangco. “Below the belt” ang mga lumalabas na isyu tungkol sa kanila. Kay Mark ang palagi nilang sinasabi ay isang Tarlakenyong nag-aambisyon na pamahalaan ang Pangasinan at ni wala raw nagawang mga proyekto sa ika-limang Distrito. Pati ang kanyang amang nananahimik na si dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco ay kinakaladkad ang pangalan sa mga usaping ito. Ang batikos naman kay Kimi ay hindi raw maganda ang kanyang panunungkulan bilang representante ng ika-limang Distrito. Inilalarawan siya na kulang ang kanyang kaalaman sa paghubog ng mga batas.

Ang mga batikos na ito ay hindi pinapatulan nina Mark at Kimi Cojuangco. Nakatuon sila sa mga gusto nilang gawin sa Pangasinan. Patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ibat-ibang sektor sa lalawigan- kabataan, senior citizens, magsasaka, mangingisda at iba pa. Lalo nilang pinapaigting ang pagpapalakas sa Nationalist Peoples’ Coalition (NPC) at Biskeg na Pangasinan na pinamumunuan ni Mark Cojuangco. Sa kanilang paglilibot sa ika-limang Distrito at sa buong Pangasinan, makikita sa kanila ang kababaang loob, pagkamasayahin at pagka-magiliw sa mga Pangasinense. Nararamdaman sa kanila tunay na kalinga at pagmamahal. Ito Ang mga katangian ng mga namumuno na kailangan sa Pangasinan.
Sa kabilang banda, ang mga puna sa mga Espino tungkol sa mga isyung kurapsyon, ilegal na pagmimina ng black sand o magnetite, ilegal “quarrying”, patuloy na pag-utang para pantustos ng mga proyekto ay pilit nilang pinasusubalian at pinagsisinungalingan. Halata sa kanilang mga binibitiwang salita ang pagkabugnot at pagkaasiwa. Ang mga pagkukubli ng kanilang gawain ay lalong nagbibigay ng ibayong kuryusidad sa mga Pangasinense.
Ang mga hayagang pantatakip sa mga maling pamamahala sa Pangasinan ni Gobernador Espino ay nagdudulot ng kawalang pag-asa ng mga Pangasinense. Nabuksan ang kanilang mga mata sa mga katotohanan lalo na noong binantaan ni Espino ang mga mamamahayag na naniniwala sa mga Cojuangco. Nawawalan ang mga Espino- ama at anak, ng tamang direksyon. Ang patuloy nilang pagkukunwari, pagsisinungaling sa mga isyung ipinupukol sa kanila ay nagbibigay ng pag-aalinlangan sa kanilang liderato. Ang kanilang pagtanggap sa mga puna at batikos ay taliwas sa mga ipinapakitang pag-uugali ng mga Cojuangco.
Malapit na ang halalan. Binibigyan tayo ng laya na pipili ng ating mga tunay na lider sa Pangasinan. Sana piliin natin iyong magbibigay sa atin ng inspirasyon hindi pagkatakot, magdadala sa atin ng magandang bukas hindi yong tayo ay pagsamantalahan at magbibigay ng mas maunlad na Pangasinan at hindi yong kanilang mga personal na interes.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Senator Grace Poe is qualified to run Pork producers to P-Noy: Stop Smuggling

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,942 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

March 2016
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: