EDITORIAL: Paglilinis sa kapulisan, sinimulan na

February 12, 2017 at 10:24 pm Leave a comment


Mahigit na dalawang daan na pulis sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pinagalitan ni Pangulong Duterte sa Malacañang Palace noong Pebrero 7. Bakas sa mukha ng Pangulo ang galit dahil ang mga naturang pulis ay may mga kasong kinakaharap- administratibo at kriminal. Bakas din sa mukha ng mga ito ang pagkahiya at hindi maitatwa ang kanilang pagkadismaya.
Ang nagyaring pagpupulong ay simula ng paglilinis sa loob ng Philippine National Police (PNP) pagkatapos sinuspendi ng Pangulo ang “Operation Tokhang” at pagbuwag sa Anti-Illegal Drugs Group (AIDG). Bagamat parang isang ama lang siya na pinagagalitan ang mga pasuway na mga anak, banaag natin kung gaano kaseryoso ang ating Pangulo sa paglilinis sa hanay ng kapulisan sa bansa. Taliwas ito sa ginawa ni Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na pinag-“push up” lamang niya ang mga pulis ng Angeles City dahil sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo.
Mag-resign o dalhin sila sa Basilan, ang naging hamon ni Pangulong Duterte sa kanila, isang hakbang na kung titingnan ay walang gustong gumawa. Kung magre-resign sila, mawawalan na sila ng trabaho at mga benepisyo sa pamahalaan. Kung pupunta naman sila sa Basilan ay baka doon na sila mamamatay dahil alam natin ang bagsik ng mga AbuSayyaf. Marahil sa ngayon ay nag-iisip na ang mga pulis na sinabon kung ano ang kanilang pipiliin. Medyo galit pa yong iba sa pagpapahiya sa kanila subalit di sila nahiya noong ginagawa nila ang mga krimeng kanilang kinasasangkutan.

Tatlong mga bagay ang nabuksan sa pulong na iyon. Una, may pera palang ibinibigay sa mga pulis para magsagawa ng “buy-bust” operation pero sa halip pinapatay yong mga “drug suspects”, kinukuha yong mga shabu at ito’y ibenebenta. Ayon sa Pangulo, sila nga ang pasimuno sa extra-judicial killings (EJK) na ibinibintang sa pamahalaan. Pangalawa, hindi na sila dapat sanayin muli dahil sinabi ng Pangulo na hindi masasanay ang mga may “utak kriminal”. Pangatlo, marami talaga ang mga pulis na hindi maganda ang gawain sa loob ng PNP. Imbes na protektahan ang mga mamamayan, sila pa ang gumagawa ng mga karumaldumal na gawain. Tuloy napahiya ang buong organisasyon ng PNP.
Simula pa lang iyan sa paglilinis. Isusunod marahil ang mga ibang rehiyon para matukoy yong mga iba pang tiwaling pulis. Magandang pangyayari ito sa buong bansa lalo na kung ang mga maiiwan na mga pulis ay yong mga matitino. Hindi lang ang pagtatalaga sa kanila sa Basilan ang nararapat na gawin. Taggalin na sila sa serbisyo dahil kahihiyan lang ang mga dulot nito.  Sabi nga ni General Bato, mas nanaisin daw niya yong sampung pulis na dekalidad kaysa isang daang tiwali.
Ipagbunyi natin ang Pangulong Duterte sa kanyang ginawa. Siya lang ang Pangulong nakagawa nito bagamat ang problema any nandiyan na sa mahabang panahon.
Advertisements

Entry filed under: News.

Poe: Give 20% discount, VAT exemption MAGANES: Why is peace elusive?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 654,833 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2017
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: