EDITORIAL: Ang kahinaan ni Senador De Lima bilang isang babae

November 27, 2016 at 6:16 pm Leave a comment


Pulitika lang iyan! Iyan ang sambit ng mga naniniwala at pumapanig kay Senador Leila De Lima sa pagbatikos sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya diumano ang dahilan ng paglipana ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) at pagprotekta sa mga pinaghihinalaang “drug lords” sa bansa.

Ang iba ay nagsasabing ang nangyayari ngayon kay De Lima ay bunsod ng galit ni Pangulong Duterte sa kanya ng pinaimbistigahan ng una ang mga paglabag sa karapatang pantao noong siya ay Chairman ng Commission on Human Rights. Si Duterte naman ang mayor noon ng Davao City.

Naging masalimuot ang usaping ito sa iligal na droga na kung saan nasangkot si Senador De Lima lalo na ng nagsalita ang mga nakapiit na drug lords sa NBP sa pandining ng Committee on Justice sa Kamara. Nagsalita si Herbert Colanggo at Jayvee Sebastian na si De Lima ang itinuturo na nasa likuran ng pagprotekta sa mga drug lords dahil diumano ay tumatanggap siya ng perang galing sa kanila sa pamamagitan ng kanyang driver na si Ronnie Palisoc Dayan. Pinabulaanan naman ni De Lima ang akusasyon.

Nitong mga nakaraang mga araw, maraming pangyayari ang gumimbal sa sambayanang Filipino. Inamin ni Senadora De Lima ang relasyon nila ng kanyang driver na si Dayan. Inuwi sa bansa mula naman sa pagtatago sa Abu Dhabi si Kerwin Espinoza at nahuli na rin sa La Union si Dayan na ilang buwang nagtago. Sa pag-amin sa kanilang relasyon ni Dayan, sinabi ni De Lima na ito ay dahil sa “kahinaan ng isang babae”. Sa Senado naman, sinabi ni Kerwin na talagang nagbigay siya ng pera kay De Lima sa pamamagitan ni Dayan. At sa pandinig naman sa Kamara, pinatotohanan ni Dayan na tumaggap siya ng pera galing kay Kerwin sa utos ng kanyang Ma’am De Lima. Inamin din niya na pitong taon ang kanilang relasyon.

Kung babalikan natin yong mga ibinulgar ni Pangulong Duterte tungkol kay Senador De Lima, lumalabas na mayroong mga katotohanan na sa tingin natin ay mahirap ng pabulaanan nitong huli. Maraming daliri na ang nakaturo kay De Lima na sa bawat pagtanggi nito sa mga akusasyon tungkol sa kanya ay lalo siya nadidiin sa alanganin. Ang mga nakalap bang ebidensiya sa Senado at Kamara ay sapat upang lalong idiin ang partisipasyon ni De Lima sa iligal na droga sa bansa? Ayon kay Kalihim Vitaliano Aguirre II ng Department of Justice (DOJ) ay mayroon na silang sapat na katibayan kontra kay De Lima na kung saan ang mga kaukulang kaso ay kanilang isinampa na.

 Saan ba patungo ang “kahinaan ni De Lima bilang isang babae”? Pilit ba rin niyang pabulaanan ang mga ibinulgar ni Kerwin Espinoza at Ronnie Palisoc Dayan? Bagamat may mga hindi pagkakatugma sa salaysay ng dalawa, ang katotohanang si De Lima ay tumanggap ng pera galing sa iligal na droga ay magdidiin na hindi siya karapatdapat na manungkulan bilang isang senador o opisyal ng bansa. Ito kaya ay mapapatunayan sa Korte? At hindi kaya magbago ang testimonya nina Dayan at Kerwin dahil si De Lima ay isang babae na may kahinaan?

Entry filed under: News. Tags: .

  4Ps beneficiaries receive food carts for livelihood enterprises Village leaders undergo personal security seminar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2016
S M T W T F S
« Oct   Dec »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: