EDITORIAL: Mga sino ang dapat nating ipagdasal?

October 9, 2017 at 4:43 pm Leave a comment


 Noong Setyembre, nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kailangan nating ipagdasal ang mga napatay na biktima ng digmaan ng ilegal na droga sampu ang mga nasawi sa digmaan sa Marawi City (Lanao Del Sur). Ang panawagan ay ipagdasal sila sa loob ng 40 na araw at ito ay magtatapos sa Nobyembre 1.

 Napakaswerte ang mga namatay sa digmaan ng ilegal na droga. May grupo na nagdarasal para sa kanila na tila ba sila na lang ang dapat na pagtuunan ng mga obispo ng Simbahang Katolika. Ito ay isang magandang adhikain ng mga obispo sa bansa. Subalit tila ba pinipili lamang ang mga grupo na dapat ipagdasal.

 Sino ang magdarasal para sa mga ibang biktima ng karahasan na dulot ng mga ilegal na droga? Sino ang magdarasal para sa kanilang nagdadalamhati na pamilya? Hindi ba dapat lahat ng mga namatay hindi lang sa ilegal na droga ay ipagdarasal?

 Hindi mapapasubalian ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa bansa. Ang mga obispo at mga kaparian ang tinatawag na “spiritual leaders” ng 65% na mga nananampalataya sa Simbahang Katoliko sa bansa? Di ba dapat ipagdasal din ang ating bansang Pilipinas at ang mga namumuno nito upang maging mapayapa ang ating bansa?

 Hindi namin sinasabi na mali ang panawagang ito ng CBCP. Ang tila hindi angkop ay ang pagpili ng sektor o grupo na nangangailangan ng dasal. Para saan at kanino? Bakit di natin tingnan ang kabuuan ng ating bansa.

 Ang digmaan sa ilegal na droga ay bagong adhikain ng pamahalaang Duterte. Hindi ito nagawa ng mga naunang namuno sa bansa. Lalo itong lumala na ang bawat pamilya ay maaaring maging biktima ng mga “drug lords, drug pushers at drug users”. Kailangan nating ipagdasal ang bawat Filipino na sana ang kapayapaan ay manatili sa kanilang mga isipan at puso.

Ang digmaan sa ilegal na droga ay mananatili ayon kay Pangulong Duterte. Kaillangang wasakin ang karumaldumal na paglawak nito sa bansa na ayon nga sa kaniya ay upang ipreserba ang mga kabataan sa susunod na henerasyon. Dahil dito, ang CBCP ay dapat makiisa sa adhikaing ito at ipagpatuloy ang kanilang landasin na espirituwal.

Sa panahong ito, kailangang magkaisa ang mga Filipino na hindi inaalintana ang paniniwalang kinaaaniban. Kailangang ipagdasal ang kapayapaan at sana matigil na ang mga nangyayaring mga karahasan at iba pang krimen sa ating bansa.

Di ba ito ang nararapat CBCP?

Entry filed under: News.

Fernandez accuses Lims of overpricing  MAGANES: Fake news, anyone?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,581 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2017
S M T W T F S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: