CORTEZ: Talaba ng Pangasinan

June 21, 2013 at 7:03 am Leave a comment


brando-masoTALABA 100% USEFUL. Ang talaba mula sa laman hanggang sa shell ay useful. Isa sa mga nais na itulak ni Dagupan City mayor ay oyster farming dahil tumataas ang demand para sa produktong ito.

Alam mo ba na may isang panahon sa kasaysayan ng Pangasinan na nag-engage ang provincial government sa oyster farming? Opo…talaba farming.

Ayon kay Danilo Rabara, noong panahon bago umupo ang kasalukuyang administrasyon ay merong mga oyster farms na pinapatakbo ng gobyerno.

Bok Nani Braganza, isang halimbawa ang floating oyster farm sa Mona, Alaminos City kung saan ay umaani sila ng around 300 sacks of talaba per havest. Dati na ito ha. Nahinto na sila.

Ang nasabing oyster farm ay may area na 2,000 square meters sa dagat.

Malinis ang oyster farm sa Alaminos dahil malinis ang karagatan doon.

Ang talaba ay tumutulong din sa pagfilter ng tubig sa dagat.

Ang pag-aalaga ng oysters ay nakakatulong din sa formation ng oyster reefs na naginging habitat ng mga hipon, isda, crabs at iba pang laman dagat.

Alam niyo po ba kung magkano ang isang sako ng talaba sa retail ngayon?

Ang presyo ay between 700 pesos to 1,000 pesos per sako!

Ibig sabihin, kung umani ka ng 300 sako ng talaba at ibinenta mo ito ng halimbawa ay 800 pesos per sako,ang gross income mo ay 240,000 pesos! Sa loob ng apat na buwan.

Alam niyo po ba na ang isang ektarya (10,000 square meters) na taniman ng palay ay may average na ani na 80 to 100 cavans (50 kilos per cavan)?

At alam niyo din po ba na ang isang kilo ng palay ay 17 pesos?

Kung umani ka ng 100 cavans na palay at ibinenta mo sa halagang 17 pesos per kilo…ang gross income mo ay 85,000 pesos sa isang ektarya.

Engr. Carding Balderas at Santo Tomas councillor-elect Jun Oculto, may halong oyster shells ba ang patuka niyo sa mga manok niyo?

Engr. Rene Millan ng NIA Provincial Irrigation Management Office, kalian po ba ang formal inauguration ng Dam sa Bani? Nagagamit na ng mga farmers ng Bani ang tubig mula sa dam.

In terms of gross income, hindi po ba mas malaki ang kita sa oyster farming?

Dahil ang oyster farming ng probinsiya ay programa ng nakaraang administrasyon…hindi na itinuloy?

Ang demand para sa talaba ay tumataas dahil sa mga nagsusulputang seafood restaurants seafood menu ng mga hotel.

Sana buhayin ang production ng talaba sa Pangasinan par mas maraming trabaho, livelihood income opportunities at masarap na pagkain mula sa dagat.

Maraming din gamit ang shell ng talaba tulad ng mga nag-isip kung ano ang materyales na gagamitin sa pag-gawa ng mapa ng Pilipinas para sa Independence Day.

Sa SM Rosales, showcase nila ang talaba noong independence day.

Gumawa sila ng isang three dimensional map ng Pilipinas na ang ginamit ay shell ng talaba. Around 6,000 shells ang nagamit.

Ang oyster shell may mayaman sa calcium carbonate na kailangan ng mga manok para sa kanilang pangingitlog.

Ang oyster shell ay maayos din na gamitin na pataba or fertilizer sa mga garden niyo.

Ang itlog ng manok kailangan ng tao para sa nutrisyon na dulot nito. Ang calcium ay kailangan ng tao para sa mas healthy na bones.

Siyempre, ang talaba ay masarap kainin bilang kinilaw…kinilaw sa suka, sili, paminta at bawang.

Iyong iba diyan gusto ang adobong talaba at iyong iba naman diyan ay gusto ang talabang binalot ng itlog.

Doon sa isang hotel sa Manila, ang isang order ng talaba ay 180 pesos at alam niyo po ba kung ilan ang laman? Walong talaba lang! Hahaha.

76% TURNOUT. San Carlos City mayor Ayoy Resuello, kumusta na po kayo? Out of 96,753 registered voters diyan ay 73,954 lang pala ang bumoto or 76% ang voter turnout. Ang dami naman ng 22,799 na hindi nakaboto at talagang hindi bumoto diyan.

Ang 22,799 ay halos katumabas na ng voting population na 22,742 ng bayan ng Aguilar.

Mayor Ayoy, Congressman ba? Vice Governor ba? Or magluluto ng lang masasarap na pagkain tulad ng steak?

Sa San Carlos City nakakuha si Senator-elect Grace Poe ng 50,709 votes or 68.57% ng total votes cast.

Ibig sabihin niya na sa bawat 100 na botante sa San Carlos ay 68 to 69 ang bumoto kay Grace Poe.

BALIK BM VILLEGAS 100%. Opo balik Board Member si Liberato Villegas ng 4th district. Seven ang naging kandidato para board member ng 4th district at si Villegas ang nag TOP sa distrito.

Si BM Riby ay tumakbo bilang member ng Liberal Party at kapartido niya ang new mayor ng San Fabian na si mayor-elect Constante Agbayani.

Tinalo ni mayor-elect Agbayani ng 5,840 votes ang incumbent mayor habang re-elected naman si vice mayor Leopoldo Manalo sa lamang na 379 votes lang!

Oooha! Kahit ilan ang laman mo sa kalaban…kahit na 5,840 votes man iyan or 379 votes man iyan or 1 vote lang ikaw pa rin ang panalo.

Siyempre ang sentro ng power sa 4th district ay nasa mga De Venecia pa rin. Tama ba Gypsy?

Entry filed under: News.

Mayor Fernandez moves to secure Dagupan assets EDITORIAL : Consider Pangasinan

Leave a comment

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 1,115,470 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

June 2013
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,479 other subscribers