EDITORIAL: Napalawig muli ang ECQ

May 19, 2020 at 2:25 pm Leave a comment


Simula sa Mayo 1, may mga bagong sistema ang ginawa ng pamahalaan sa pagpapatupad ng home quarantine sa bansa. Ang Luzon na napailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay may mga Rehiyon at lalawigan na naiwan sa pagpapatupad nito. May mga lugar naman sa Luzon, Visayas at Mindanao na isailalim ng tinatawag na General Community Quarantine (GCQ).

 Sa ECQ, ang mga naiwan sa Luzon ay ang CALABARZON na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, National Capital Region o Metro Manila, Rehiyon 3 na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Zambales at Tarlac, at sa Rehiyon I ang lalawigan ng Pangasinan.

 Ang mga nasa loob o ipasailalim ng ECQ ay matatawag na mga “high-risk areas” na kung saan ang bilang ng positibo sa COVID-19 ay dumarami. Yong mga nasa ilalim naman ng GCQ ay nabibilang sa “moderate-risk” at “low-risk” na mga probinsiya o lugar. Ayon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID), may mga lalawigan na nasa listahan ng ECQ na maaaring mabago tungo sa “Moderate-risk” at “low-risk” na klasipikasyon.

Ano ang implikasyon nito sa mga mamamayan? Ang home quarantine ay ang paghihikayat sa mga tao na manatili sa loob ng kanilang mga bahay at magsuot ng “face mask” at magsagawa ng mga kaukulang paglilinis sa mga kamay at katawan. Ito ang nakikitang mainam na paraan upang hindi lalong kakalat ang COVID -19 na isang sakit na wala pang lunas. Iniiwasan ang madaling pagkalat nito sa hindi pakisasalamuha sa mga ibang tao.

Sa mga datos na inilalabas ngayon ng Department of Health (DOH), medyo tumataas na ang bilang ng mga gumagaling na nakapitan ng bayrus, kakauti na rin ang nangangamatay at bumababa ang nagiging positibo. Naghuhudyat ito sa tinatawag na “ flattening the curve” o tulyang pagbaba ng mga kao ng mahahawaan ng COVID-19. Bagamat sa mga ibang bansa gaya ng USA, Italya at España na patuloy pa rin ang pagtaas ng mga nangangamatay at positibo sa sakit na COVID-19, ginagawa ng maiiging pagmamatyag ng pamahalaan ng Pilipinas upang mabawasan ang pagkalat nito.

Wala pang gamot ang COVID-19. Hindi ibig sabihin na kung bababa na ang bilang ng mga positibo nito ay wala na rin iyong pangamba na may mahahawaan pa. Magiging delikado ang mga hinaharap na senaryo kung hindi natin mapanatili ang tinatawag na “social o physical distancing”. Maaari pa ring lumawak pa ang mahahawaan nito kung tayo ay hindi mag-iingat dahil bawat isa sa atin ay maaaring kapitan nito at mahawaan natin ang ating mga kapamilya o mga tao sa ating komunidad.

Sa pagpasok ng bagong kaayusan o new norm sa ating lipunan, tayong lahat ay hindi dapat maging kumpiyansa sa idudulot nito sa hinaharap. Darating ang panahon na bubuksan na ang mga paaralan, tatakbo na ang mga pampublikong mga sasakyan, atbp, subalit nasa atin pa ring sarili nakasalalay na hindi na lalawak pa ang maging biktima ng COVID-10. Lahat tayo ay dapat mag-ingat.

Entry filed under: News.

MAGANES: Filipinos’ sense of humor surface amid the threat of COVID-19 PhilRice calls on LGU to support rice farmers 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,342 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2020
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: