EDITORIAL: Social amelioration, malaking tulong sa mga mahihirap na pamilyang Filipino

April 22, 2020 at 8:14 am Leave a comment


Dahil sa pagdeklara ni Pangulong Duterte ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon at sa pagpatutupad nito ng “home quarantine”, marami ang nawalan ng trabaho at pagkakikitaan.

 Kaakibat ng ECQ ay ang pagbibigay ng Kongreso ng “emergency powers” kay Pangulong Duterte upang matugunan ang mga ibat-ibang suliranin na dulot ng COVID-19. Noong Marso 26, pinirmahan ng Pangulo ang batas “Bayanihan Heal As One” na nakapaloob dito ang “emergency support fund na nagkahahalaga. By P275 bilyon, na mula sa mga naipong pera ng mga ahensya ng pamahalaan noong nakaraang taon.

 Kalakip ng “emergency fund” ay ang social amelioration program (SAP) na tinatayang tutulungan ang 18 milyong mahihirap na pamilya upang maibsan ang mga nawalang kita sa loob ng dalawang buwan. Bago pa man maisagawa ito, may mga anunsyo na ang Pangulo na lahat ng mga apektadong pamilyang Filipino ng ECQ ay bibigyan ng P5,000.00 hanggang P8,000.00. Natuwa ang mga tao at hinintay kung paanoito ipatutupad ng pamahalaan. Sa kabilang banda, nag-anunsyo rin si House Speaker Allan Cayetano, na ang bawat pamilya ay mabibigyan ng Social Amelioration Card.

 Upang lalong maintindihan ang Social Amelioration Package sa ilalim ng Bayanihan Heal As One Act, mayroong Joint Memorandum Circular No. 1,Series of 2020 ang mga ahensya ng pamahalaan :Department of Finance, DILG, DSWD, Department of Labor, Department of Agriculture, at Department of Budget and Management. Sa nasabing Circular, bawat ahensya ay may kanya- kanyang tungkulin na iniatas upang matugunan ang pangangailangan ng mga taong apektado sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ).

Ang DSWD ang mamahala sa mga apektadong informal sector sa bansa na kinabibilangan ng senior citizens, solo parent, indigent families, tricycle drivers, 4Ps, etc. Ang ahensya ay nakatutok sa 18 milyon na mahihirap sa informal sector, 4.2 milyon dito ay nasa 4Ps.

Ang DA ang mamahala naman sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda. May iba ring tulong ito sa kanila na hindi kasali sa DSWD. May subsidy rin sila sa pamahalaan.

Ang DOLE ang mamahala sa mga displaced worker sa formal labor sector. Ito yong mga naapektuhan ng “no work, no pay” policy.

Ang DTI ang mamahala sa mga apektadong micro, medium and small business enterprises. Mayroon ding pondo na gagamitin para sa kanila.

Ang DILG ay tutulong sa mga ahensyang nabanggit sa pamamagitan ng LGUs para matukoy na mabilisan ang mga benepisaryo.

Ang DBM ang magpapaluwal ng sapat na badget para matustusan ang Social Amelioration Program, at

Ang DoF Ang maghahanap kung saan kukunin ang mga pondong gagamitin sa SAP.

Maganda ang layunin ng SAP. Nagkagugulo dahil sa hindi maintindihan ng mga tao ang mga dapat na alituntunin dito.Maraming reklamo na ang nasa social media na ang pinanghahawakan ng mga tao ay ang anunsyo ng Pangulo at ni Speaker Cayetano.

Entry filed under: News.

MAGANES: Salute to the local government leaders of Pangasinan Dagupan acts fast versus COVID 19

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

April 2020
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: