EDITORIAL:  Mag-ingat sa sunog, pahalagahan ang mga kababaihan at magtipid ng tubig

March 9, 2020 at 11:36 am Leave a comment


Tatlong malalaking selebrasyon ang binibigyang tuon ng ating pamahalaan sa buwan ng Marso.

 Una dito ay ang “Fire Prevention Month” na nagsimula noong Marso 1 na may temang “ Matuto Ka, Sunog, Iwasan Na”, na naglalayon na turuan ang mga tao ng mga pamamaraan sa pag-iwas ng sunog. Inilunsad ito ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isang pambansang motorcade na  nilahukan ng lahat ng mga opisina ng BFP sa buong bansa.

 Sa ngayon, ang mga kawaning BFP ay nagsasagawa ng mga information drive campaign at mga fire drills. Nagsasagawa rin sila ng mga inspeksyon sa mga pampubliko at mga pribadong gusali at tinitingnan kung may mga sapat silang kagamitan upang maapula ang apoy kung magkasunog man. Huwag nating ipagwalang bahala ang sunog. Sabi nga nila, mas mainam pa ang manakawan dahil may maiiwan kaysa masunugan lalo na kung matupok ng apoy ang buong kabahayan na walang maiiwan.

 Pangalawang selebrasyon ay ang “ Buwan ng Mga Kababaihan”. Ito ay ang pagpapakita at pagkilala ng mga papel ng kababaihan sa ating lipunan. Sa taong ito ang tema ay “ We Make Change Work for Women” na sabay sa ika-45 anibersaryong pagkatatag ng  Philippine Commission on Women (PCW). May mga ibay-ibang programa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan. Lahat ng sangay ng pamahalaan at pribadong opisina ay nakikiisa sa pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagsagawa ng mga “forums, workshops, at mga pagtuturo ng mga topikong nauugnay sa gender and development, karapatan ng mga kababaihan, women’s empowerment, atbp.

Hindi matatawaran ang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan. Sila ang tinaguriang “ilaw ng mga tahanan” at katuwang ng mga kalalakihan sa pag-aruga ng kanilang mga anak upang maging kapakipakinabang na mamamayan sa hinaharap.Mahalaga ang pagkilala sa mga kababaihan. Marami silang naiambag sa ating lipunan hindi lang sa ating mga tahanan, kundi sa ibat-ibang sangay ng propesyon. Marami sa kanila ang nakikisabay sa mga larangang mga lalaki lamang ang mga nangunguna. Hindi na sila takot makipagsabay sa kakayahan, talino at sigla ng mga kalalakihan sa mga ibang propesyon. Kilalanin natin ito upang lalong uusad ang progreso ng ating bansa.

Ikatlo ay ang “Water Conservation Day” na gaganapin naman sa  Marso 22. Ito ay naglalayon na ipangaral sa mga mamamayan ang kahalagahan ng tubig hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo. Ang tubig ay nagbibigay buhay. Mapalad pa rin tayo na mayroon pa ring sapat na suplay ng tubig, di gaya sa mga ibang bansa at kanayonan ng Pilipinas na halos wala na silang tubig na magagamit. Ang tema ng pagdiriwang ng “Water Conservation Day” ay “Water and Climate Change” . Ang pagpapalit ng ating klima ay may kaugnayan sa suplay ng tubig. Ang pagkakalbo ng ating mga gubat dahil sa pagsira ng ating kalikasan ay nagbibigay din ito ng pagkasira sa mga lagusan ng tubig na unti-unti ng natitigang.

Entry filed under: News.

MAGANES: The empowered women in our society Bayambang cancels ‘Pista’y Baley 2020’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,342 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

March 2020
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: