EDITORIAL: Matutuldukan na kaya ang digmaan sa droga?

November 11, 2019 at 10:16 pm Leave a comment


Kamakailan lang, itinalaga ni Pangulon Duterte si Bise Pangulong Leni Robredo na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti- Ilegal Drugs (ICAD) upang malaman ng huli kung anong mga dapat tingnan sa operasyon nito. Noong una, balintulot ang kampo ni Robredo na tanggapin ang nasabing posisyon na ayon sa kanila ay isang patibong ito kay Robredo.

 Subalit tinanggap ni Robredo ang hamon ng Pangulo. Aniya, sa kanyang pagtanggap sa posisyon, gusto niyang may maisalba lamang siya na isang inosenteng biktima ay maligaya na siya.Sa kanyang tinuran, hindi maliwanag kung ano  at sino ang mga inosenteng biktima na kanyang tinutukoy. Ito ba yong mga taong gumagamit ng droga na inosenteng biktima ng mga drug lords, drug dealers at drug pushers? O ito ba yong mga namamatay bilang “collateral damage” sa laban kontra ilegal na droga dahil sa mga isinagawang police operations?

 Bakit itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo sa isang sensitibong posisyon? Ating matatandaan na si Robreo sampu ng kanyang mga kaalyado sa Liberal Party ay mga pangunahing kritiko ng Pangulo lalong lalo na sa digmaan ng ilegal na droga. Umabot pa nga si Robredo sa United Nations na kung saan nagbigay siya ng estadistika ng nga di-umano’y “extra-judicial killings” sa bansa. Pinulaan niya ang Operation Tokhang at OPlan Double Barrel na aniya ay walang katuturan ito sa pagsugpo sa ilegal na droga.

 Kauupo pa lang niya sa nasabing posisyon ay marami na siyang gustong baguhin sa polisya ni Duterte sa digmaan sa droga. Pinulong niya ang mga kasapi sa ICAD at humingi siya ng mga datos na tila ba hindi na niya naalaala yong mga datos na ibinigay niya sa UN. Gusto rin niyang itigil na ang Operation Tokhang at kung may operasyon ang mga pulis, dapat raw ay wala silang mga dalang baril.

 Maraming taga-suporta ni Pangulong Duterte sa mga tinuran ni Robredo. Kung walang Operation Tokhang, paano raw malalaman kung ano ang mga operasyon ng ilegal na droga ang mga drug lords hanggang sa drug users o mga gumagamit nito? Pag walang dalang baril ang mga pulis sa kanilang operasyon, di ba buhay naman nila ang nakakompormiso?

 May mga bagay na dapat isalang-ala ni Robredo. Una, ang polisya sa digmaan sa droga ay galing sa Pangulo, pangalawa siya ay isang Co-Chairman lang sa ICAD, at pangatlo wala siya sa katayuan na palitan ang mga polisya ng Pangulo kundi magrekomenda lamang siya ng mga hakbangin sa pagsugpo sa droga.

 Magkagayon pa man, maganda rin ang panukala ni Robredo na paig-tingin ang rehabilitasyon ng mga drug users at tingnan ito na isang problemang pangkalusugan at sosyal llo na’t maraming naghihirap na mga Filipino. Paano na ang mga drug lords at drug dealers, ano naman ang panukala ni Robredo sa mga ito? Di ba lalo silang mamamayagpag dahil mawawala ang Operation Tokhang?

 Dahil maraming mga tanong si Robredo tungkol sa operasyon sa ilegal na droga, hinamon siya ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Aaron Aquino na sumama siya sa mga operasyon nito para malaman niya ang mga reyalidad na nangyayari sa lipunan. Hindi pa tiyak kung tinanggap ni Robredo ang hamon na ito. Sana, pag-aralan niya ang probemang ito sa ilegal na droga at mapagtagumpayanniya ang kanyang bagong posisyon na “drug czarina.”

Entry filed under: News.

MAGANES: Moving on from trauma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,738 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

November 2019
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: