EDITORIAL: Mabuhay ang mga wagi sa SGLG!

October 30, 2019 at 1:07 pm Leave a comment


Inilabas na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga nagwagi ng Seal of Good Local Governance (SGLG) na kumikilala sa magandang pamamahala sa mga lokal na pamahalaan. Ito ay isang prestihiyosong pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng ibayong pangangalaga sa kanilang lalawigan, siyudad at mga bayan.

Ang SGLG ay ang dating Seal of Good Financial Housekeeping na inilunsad noong 2014. At dahil maraming pamantayan na ang kailangan upang maisagawa ang isang maayos na lokal na pamahalaan, ito ay naging SGLG.

Ganap ng batas ang paggawad ng SGLG. Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11292 o “Seal of Good Local Governance” noong Abril 12, 2019. Sa ilalim ng nasabing batas, ang “gawad, insentibo, karangalan at pagkilala sa mga programa ng lahat ng mga lokal na pamahalaan upang ipagpatuloy ang progreso at maisaayos ang kanilang pamamahala.”

Siyam ang mga nakapaloob na pamantayan sa SGLG na kinabibilangan ng mga sumusunod: financial stability, heart compliance and responsiveness, disaster preparedness, social protection and sensitivity program, programs for sustainable education, business friendliness and competitiveness, safety, peace and order, environmental management at tourism, culture and arts. Bawat pamantayan ay mabusising tinitingnan ng DILG at ng itinatatag na komitiba sa paggawad parangal.

Sa mga nagdaang parangal, maraming siyudad at bayan sa Pangasinan ang nabigyang parangal sa SGLG. Sa taong ito, 21 na mga bayan at dalawang siyudad ang nakapasa sa pamantayan ng SGLG at ito ay kinabibilangan ng Aguilar, Alaminos City, Alcala, Anda, Asingan, Balungao, Basista, Bayambang, Bugallon, Calasiao, Infanta, Lingayen, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Natividad, Rosales, San Carlos City, San Manuel, San Quintin, Sta. Maria, Tayug at Urbiztondo.Hindi pinalad naman ang Urdaneta City at Dagupan City, at ang iba pang 23 na bayan ng Pangasinan.

Ang Rehiyon I ang nanguna pa rin sa mga rehiyon sa buong bansa na nakakuha ng mga maraming siyudad, lalawigan at bayan sa SGLG. Ang lalawigan ng Pangasinan ay nakasali pa rin sa gawad parangal na ito.

Maganda ang layunin ng SGLG. Naglalayon ito na itaas ang antas ng pamamahala sa mga lokal na pamahalaan upang makamit ang tunay na reporma at pagbabago sa bansa. Ang kolektibong gawain ng mga kawani, lehislatura at ehekutibo sa mga lokal na pamahalaan ay nakapaloob dito. Ibig sabihin walang maiiwan sa pagsasaayos ng pamamahala dahil nakatuon ito sa kabutihan ng mga mamamayan.

Ang pahayagang ito ay sumasaludo sa lahat ng mga mabibigyang parangal sa SGLG. Sa mga hindi nakasama sa parangal ng taong ito, pagbutihan pa ninyo ang inyong mga tungkulin. Baka sa susunod na taon ay maisali na rin kayo basta nakatutok lang sa mga gagampanang tungkulin.

Entry filed under: News.

MAGANES: Remembering the celebration of All Saints’ Day Two cities, 21 towns to receive of SGLG performance award

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,740 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2019
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: