EDITORIAL: Taripikasyon sa bigas, nakatutulong ba sa mga magsasaka?

September 2, 2019 at 8:28 am Leave a comment


Nangangamba ang mga magsasaka sa bansa sa napipintong pagbaba ng presyo ng palay lalo na’t malapit na ang anihan. May mga agam-agam na ito ay bababa sa P10 kada kilo na ayon sa mga magsasaka, ay hindi sapat na makupo ang mga gastusin sa kanilang pagsasaka.

Ang pagbaba diumano ng presyo ng palay mula P17 hanggang P20 kada kilo noong nakaraang taon ay dahil sa batas ng Taripikasyon sa bigas o Rice Tariffication Law (Republic Act No.11203) na ipinasa sa 17th Congress. Ang may akda sa batas ay si Senator Cynthia Villar na siya rin ang  chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food. Ang senaryo sa pagbaba ng presyo ng palay ay isinisisi sa naturang batas.

Balikan natin ang batas. Ano ba ang mga bagay na nakapaloob sa taripikasyon ng bigas?

Ang taripikasyon sa bigas ay ang pagbubukas ng importasyon ng bigas na walang limitasyon ng mga negosyante sa bansa. Wala ng restriksyon at ang pamilihang bayan ay mapupuno ng mga importadong bigas. Pero sa pag-import ng mga bigas,  tataas din ang taripa nito mula 5% hanggang 35% na ang pupuntahan nito ay sa “rice enhancement competitiveness fund.” Sa maikling salita, ang pondo ng ito ay mapupunta sa mga magsasaka upang mapaunlad ang kanilang sakahan- mga bagong makinarya, mga hybrid palay seeds, mga pataba, pestisidyo at iba pa. Mas lalong gaganda at uunlad ang sakahan ng palay ayon sa batas.

Bakit sa ngayon ay mababa ang presyo ng palay? Bago pa lang ang pagpapatupad sa batas. Marami pang importadong bigas sa pamilihang bayan , ayon sa National Food Authority (NFA). Nagsisimula pa lang ang pagpapatupad sa taripikasyon sa bigas at ang Bureau of Customs (BoC) ang naatasan na magpatupad sa bagong taripikasyon. Ang nakikitang problema dito ay ang hindi pagtupad sa 35% tariff ng BoC sa mga importadong bigas. Sila ay nagkokolekta pa rin base sa 5% kaya may mga importadong bigas na “undervalued”.

Kung ating susuriin may katuturan din ang taripikasyon sa bigas. Naglalayon ito na makalikom ng salapi upang mapaunlad ang pagtatanim ng palay at sakahan ng mga magsasaka. Ito ay hanggang mapalaki ang produksyon ng bigas upang magkaroon ng patas at bukas na kompetisyon sa pamilihang bayan. Pag aabot na sa puntong ito, ang presyo ng palay at bigas ay maging estabilisado sa bansa at mapipigilan na ang malawakang importasyon. Isa pa hindi na ang pamahalaan ang magsasagawa ng importasyon kundi ang mga negosyante sa bigas (rice traders).

Sa ngayon, maihahalintulad ang batas sa nangnganay na nanganganak. May dalang sakit sa sinapupunan ng pamahalaan. Naghihikab ang tiyan ng mga magsasaka ngunit Pagkatapos na maisaayos ang mga sistema nito, tiyak na may magandang patutunguhan.

Tayo ay mapan uri at mapagmatyag. Tingnan natin ang tuwirang implementation ng batas. Ang mga nakapaloob bang benepesyo para sa mga magsasaka ay pupunta sa kanila? Hindi ba ito makulimbat lang ng mga pulitiko at mga mapagsamantalang mga negosyante? Ito ang mga bagay na ating pagtuunan ng pansin.

Magaganda ang mga programa para sa agrikultura noong mga nagdaang administrasyon. Marami dito ang pumalpak hindi dahil mali ang mga programa kundi mas marami ang na punta sa kurapsyon. Sana sa panahong ito, mabago na ang ganitong kalakaran sa pamahalaan. Sana nga!

Entry filed under: News.

MAGANES: Discrimination and equality Pangasinan, Manila, others want to host MinDA fruit fest

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 958,539 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2019
S M T W T F S
« Aug   Oct »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,458 other followers


%d bloggers like this: