EDITORIAL: Nakababahala ba ang pagtanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo?

June 2, 2019 at 6:24 pm Leave a comment


Kamakailan lang, tinuldokan na ng Korte Suprema yong inihaing petisyon ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa na tanggalin na ang Filipino at Panitikan bilang asignatura sa kolehiyo. Ito ay matapos na kinatigan din ito ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa paglabas ng desisyon ng Korte Suprema, marami ang umalma dahil nawala na raw ang patriotismo ng mga Filipino at tila hindi naintindihan kung bakit ganito ang lumabas na desisyon. Bigyan natin ito ng pansin. Una, ang Filipino at Panitikan, kung magpapatuloy na asignatura sa kolehiyo, ay may kaukulang bayarin sa yunit ng mga mag-aaral at mga magulang. Pangalawa, ang mga guro ng Filipino at Panitikan ay mawawalan na ng trabaho.

Ang mga nabanggit ay hindi magiging suliranin sa sistemang pang-edukasyon. Ang Filipino at Panitikan ay maaari namang ilipat sa Senior High School gaya ng mga asignaturang Rizal at Saligang Batas (Constitution). Mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral dahil mas maraming oras na magugugol dito sa pag-aaral. Ang wikang Filipino at Panitikan ay bahagi na ng kurikulum sa Junior at Senior High Schools. At dito nalinang na ang mga mag-aaral sa kabuuan ng asignaturang Filipino at Panitikan.

Paano naman ang mga guro? Dahil karamihan naman ng mga unibersidad at kolehiyo ay mayroong Senior High Schools, maaari naman silang ilipat dito na hindi mababawasan ang kanilang mga sahod kundi lalo pa nilang mapalinang ang kakayahang ituro ang Filipino at Panitikan dahil mas maraming oras ang magugugol dito.

Hindi makakabawas ang patriotismo ng mga Filipino ang hindi pagtuturo ng asignaturang Filipino at Panitikan sa mga unibersidad at kolehiyo. May mga asignatura naman na maaaring gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo upang lalong maintindihan ng mga mag-aaral. Halimbawa nito ay sa mga asignaturang “social sciences,” “humanities”, atbp.

Ang panitikan, bagamat mahalaga ito sa pagkakakilanlan ng ating kulturang Filipino, ay hindi nakababawas ng ating kaalaman. May mga panitikan na maaaaring basahin na hindi lang tinatalakay sa loob ng unibersidad o kolehiyo. Maaaring sa pansariling pag-aaral ay mamulat tayo sa mga panitikang Filipino gaya ng mga sanaysay, nobela, tula at iba pang anyo ng mga mamayamang kaisipan na isinulat ng mga pantas sa panitikang Filipino.

Ang wikang Filipino ay may buhay. Araw-araw ito ay lumalago at nagbibigay ng ugnayan sa mga tao. Ganoon din ang panitikang Filipino. Ang mga ito ay hindi na lang sa mga aklat nababasa. Nandiyan na rin sa mga “social media” na mas mabilis pa ang paglaganap ng kaisipang Filipino o anumang panitikan at wika sa ating bansa.

Sa sapantaha na ang pagtanggal ng Filipino at Panitikan bilang asignatura sa mga unibersidad at kolehiyo ay nakakabahala ay walang basehan dahil nandiyan pa rin ang hangarin ng pamahalaan na mapalinang ang ating kultura at kaisipan sa wikang Filipino at sa mga panitikan nito.

Entry filed under: News.

Asingan to conduct skills training on carpentry, masonry Guico to UEP graduates: Go for your vision, commitment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 953,309 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

June 2019
S M T W T F S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,458 other followers


%d bloggers like this: