EDITORIAL: Ang kahalagahan ng Brigada Eskwela

May 28, 2019 at 6:41 pm Leave a comment


Bawat taon nagtatalaga ang Department of Education (DepEd) ng isang linggo bago ang pagbubukas ng mga klase ng Brigada Eskwela para maisaayos ang mga silid-aralan at kapaligiran ng mga paaralan. Ito ay upang maging ligtas ang mga mag-aaral at mabigyan sila ng masinop at magandang mga silid-aralan.

Sa taong ito ang tema ng Brigada Eskwela ay “Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan” na binibigyang halaga ang partisipasyon ng lahat ng mga tao sa ugnayang komunidad upang maisaayos ang mga paaralang pampubliko sa buong bansa.

Ang Brigada Eskwela ay hindi lang para sa mga guro. Ito ay kailangang makibahagi ang buong komunidad- mga opisyales ng mga barangay, mga magulang, mga non-government organizations (NGO), mga mag-aaral at iba pang mga sektor na nais tumulong sa pagsasaayos ng mga paaralan.

Ano ang mga ginagawa sa Brigada Eskwela? May mga naglilinis sa mga kapaligiran ng mga paaralan gaya ng pagkumpuni sa mga daluyan ng tubig, pag-alis sa mga damo, pagtatanim ng mga halaman atbp. Mayroon ding mga grupo na nagkukumpuni ng mga sira-sirang mga silya, mga sirang bubong ng mga silid-aralan, pagsasaayos sa mga alulod at paglilinis sa mga ito. Makikita dito ang buong samahan ng mga komunidad.

Sa loob naman ng mga silid-aralan, may mga guro, mag-aaral at mga magulang na naglilinis at nagpipintura at isinasaayos ang mga kagamitan gaya ng mga electric fans at iba pang gamit. Ang ugnayang magulang at guro ay lalong napapaigting upang maging magkatuwang sa pagbibigay ng magandang mga silid-aralan sa mga mag-aaaral.

Ang Brigada Eskwela ay isa ng institusyon. Alam natin na kulang ang pondo ng pamahalaan sa lahat ng mga pangangailangan ng mga paaralan at ito ay isang paraan upang makatulong ang mga komunidad.

Hindi nagtatapos ang Brigada Eskwela sa loob lang ng isang linggo. Ito dapat ay patuloy na isinasagawa sa loob ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng mga silid- paaralan. Sa pagpapatuloy nito, kailangan ding magkaroon ng sapat na ugnayan ng mga guro at mga magulang upang maisagawa pa ang mga dapat isulong sa mga paaralan.

Marami pang mga suliranin ang mga paaralan. May mga mag-aaral na kapos sa mga gamit gaya ng mga lapis, ballpen, papel at mga kuwaderno. Maaari ring ito ay gawing proyekto ng mga NGOs para patuloy ang pagtulong sa mga kapus-palad.

Tara na at sumama tayo sa Brigada Eskwela. Ibilang natin ang ating mga sarili sa makabuluhang hakbangin na tulad nito.

Entry filed under: News.

MAGANES: Post election learnings CORTEZ: Why Bong Go won convincingly?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,583 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2019
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: