EDITORIAL: Mainit na ang pulitika sa Pangasinan

April 29, 2019 at 9:28 am Leave a comment


Habang sinusulat itong pangulong tudling, 16 na araw na lang halalan na sa Mayo 13. Hindi na mapakali ang mga kandidatong senador, congressmen, partylist representatives, gayun din sa mga lokal na kandidato mula gobernador hanggang sa mga kagawad ng Sangguniang Bayan at Panlungsod. Ibat-ibang paraan na ang ginagawa upang sungkitin ang suporta ng mga botante. May mga nagbahay-bahay, motorcade, nagbibigay ng mga groserya at pera.

Dito sa Pangasinan, ang init ng pulitika ay nararamdaman na rin lalo na sa laban ng gobernador, bise gobernador at mga congressman sa unang Distrito, ikalawang Distrito at ikalimang Distrito.Kakaiba ang galaw ng pulitika dahil sa gobernador ang magkatunggali ay si Alaminos City Mayor Art Celeste at ang kasalukuyang gobernador Amado “Pogi” Espino III, sa bise gobernador naman ay sina Mark Lambino at Angel Baniqued, at sa mga congressman- unang Distrito ay sina Bolinao Mayor Arnold “Noli” Celeste at Thomas “Tim” Orbos, ikalawang Distrito ay sina Board Member Raul Sison at Bugallon Mayor Jumel Espino (pati rin si Robert “Butch” Merrera, at ikalimang Distrito sina Binalonan MayorRamon “Monmon” Guico III at ang kasalukuyang Cong. Amado T. Espino Jr. Huwag na nating pansinin yong mga ibang Distrito dahil hindi masyadong mainit ang labanan sa kongresista at mga lokal na opisyal.

Lumalakas ang suporta sa tumatakbong gobernador Art Celeste at ang kanyang katuwang na si Mark Lambino. Sila ngayon ang sentro ng mga itim na propaganda sa kampo ng mga Espino, gayon din sina Raul Sison at Noli Celeste. Ibat-ibang paninira ang ginagawa- pagsira sa tarpaulin, pag-spray ng mga kung anu-anong masasakit na salita, pagdawit sa kanila sa mga ilegal na droga,paggawa ng mga propaganda sa “social media” at iba pa. Subalit napapansin na bagamat sentro sila ng mga di makatwirang propaganda, lalong sumisidhi ang suporta ng mga Pangasinense sa kanilang mga kandidatura.

Dala ng Team Celeste-Lambina ang slogan na Pangasinan Para sa Lahat, Isulong ang Pagbabago at ang Team Espino-Baniqued ay Ipagpatuloy ang Pagbabago sa Pangasinan. Sa obserbasyon ng mga Pangasinense, tila pumapatok ang isinusulong na pagbabago nina Celeste at Lambino dahil marahil sa nakikita nila sa kanila ang bagong uri ng pulitika,mga adbokasya at plataporma. Habang papalapit ang halalan, ganoon din ang pag-igting ng pagsira ng kanilang mga katunggali sa kanilang mga pangalan- sa mga blocktime na programa sa radyo, pahayagang pangkomunidad at “social media”.

Ang mga ipinapakitang suporta ng mga Pangasinense sa Team Celeste-Lambino, ito na kaya ang hudyat ng panibagong liderato sa Pangasinan? Mabubuo kaya ang hangaring magkakaroon ng tunay na pagbabago sa lalawigan?  Nakikita rin na sa halalang ito, hindi masyado ang pera na maging batayan ng tao kung sino ang kanilang iboboto. Mas gustuhin nila ang pagsulong ng mga bagong kaisipan sa pulitika lalo na’t nakakarami ang mga botanteng millennial.

Sana, magkaroon na ng isang matagumpay na pagbabago sa Pangasinan!

Entry filed under: News.

MAGANES: Pangasinan’s political race nears ‘finish line’ Custodio ‘not nuisance candidate’ – Comelec

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

April 2019
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: