EDITORIAL:  Alaminos City at Bayan ng Bayambang -Golden Awardees ng NADAC

December 31, 2018 at 5:06 pm Leave a comment


Isa na namang karangalan ang iginawad sa Alaminos City ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa 1st National Ant-Drug Abuse Council (NADAC) na ginanap sa Manila Hotel noong Disyembre 28.

Ang Alaminos City na pinamumunuan ni Mayor Arthur F. Celeste ay isa sa  21 lokal na pamahalaan  sa buong Pilipinas na ginawaran ng Gold  Performance Award na nakakuha ng 100% Functionality Points para sa implementasyon ng mga programang kontra sa droga. Pinalakas ng nasabing siyudad ang kanyang City Anti-Drug Abuse Council (CADAC).

Ang bayan ng Bayambang sa pamumuno ni Mayor Cesar T. Quiambao ay ginawaran din ng katulad na parangal.

Ating matatandaan na ang Alaminos City ang kaunaunahang siyudad ng Region I at sa buong Pilipinas na “drug-cleared city” noong Hulyo 19, 2018 matapos na pinaigting ang laban kontra sa droga ng ipinasa ang City Anti-Drug Abuse Council Resolution No, 03-series of 2017 na may titulong A Resolution Recognizing The Alaminos Rehabilitation and Transformation (ART) Project Concept For Drug Surrenderees As An Effective Medium In The Implementation of Community-Based Rehabilitation Program.

Ang ART Project, na hango sa pangalan ni Alaminos City Mayor Arthur Celeste, ay nagsasagawa sa pamamagitan CADAC ng mga “anti-illegal drugs advocacy campaign” o mga preventive education seminar o symposium at ganoon din ang pagsasagawa ng mga “Community-Based Rehabilitation Program.”

Ang CADAC sa Alaminos City, kasama ang mga BADAC o Barangay Anti-Drug Abuse Councils, ang Philippine National Police (PNP) at ang St. Joseph Parish Church ay nagsagawa ng mga  iba’t-ibang programa upang magkaroon ng buong transpormasyon o pagbabago ang mga “drug surrenderers”. Isa dito ay ang tuluy-tuloy na implementasyon ng “Community-Based Rehabilitation Program” kalakip ng Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga (MASA-MASID), Barangay-Based Rehabilitation Action  Plan , Spiritual Enhancement at Programang Pangkabuhayan.

Dahil dito lumutang ang kahusayan ni Mayor Celeste sa pagsagawa ng mga programang kontra sa ilegal na droga.

Sa kabuuang bilang na 1,715 na mga probinsya, siyudad at bayan sa buong bansa, 241 lang na mga lokal na pamahalaan ang nabigyan ng “Performance Award” na kinabibilangan ng Pangasinan at 25 bayan at siyudad na may 85% hanggang 99% Functionality Points.

Mula sa patnugutan ng pahayagang ito, ipinaaabot namin ang buong pusong pagpupugay sa inyo at sana’y magpatuloy ang inyong magandang pamamahala sa inyong mga bayan at siyudad.

Entry filed under: News.

MAGANES: Fake social media accounts CORTEZ: The Joy of Benjamin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,589 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2018
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: