CORTEZ: The Joy of Benjamin

December 31, 2018 at 5:17 pm Leave a comment


Share lang po ang facebook post ni Bianca Denice Oculto na anak ni SBM Junjun Oculto (SLN).

Mama’s Message during the Internment Mass for Papa @ St. Thomas Aquinas Parish Church, December 26, 2018

brando-maso

Mga kamag-anak, kaibigan, mga nakiramay at nakidalamhati sa amin, magandang umaga po. Linggo, Disyembre Desisais. Gaya ng iba pang mga umaga sa dalawampu’t anim na taon naming pagsasama, sabay kaming nagsimula ng araw ng aking Asawa. 

Naglambing pa siya at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam na iyon na ang huling pagkakataon na mamamasdan ko ang kanyang mukha.

Iyon na pala ang huling araw na makakasama namin siya.

Image may contain: Benjamin Jun Okulto

The assassinated Sto. Tomas, Pangasinan vice mayoral bet Benjamin “Junjun” Okulto.

Nagsimba si Kalog at huminging ipagdasal siya ng mga tao sa simbahan. Sa mga nakalipas kasing mga linggo, madalas na nakakatanggap siya ng mga banta sa buhay niya at ng kanyang pamilya. May pambabatikos rin sa kanyang pagkatao at pamilya. Hindi nahahalata kay Junjun na araw-araw niyang hinaharap ang mga ito. Kapag kinukumusta kasi namin siya, tinitiyak niya sa amin na kampante siya dahil wala naman siyang kaaway.

Buong suporta kaming pamilya nang magdesisyon siyang ituloy ang pagtakbo. Malaking hamon sa kanya ang pagtakbo bilang Bise Alkalde. Hindi kami mayaman. Wala kaming kakayahan na gumastos para sa halalan.

Sa pagtakbo ni Junjun, ang mayroon lang siya, pangarap, paninindigan, puso at Panginoon. Para sa kanya, kailangang harapin niya ang tawag ng panunungkulan para sa tunay na pagbabago sa Bayan ng Santo Tomas, ang bayan kung saan siya isinilang at lumaki, ang bayan na kanyang minamahal.

Hindi ko inakala na ang mabuting hangarin ni Kalog para sa bayan ang magiging mitsa ng kanyang buhay. Isang malaking trahedya ito sa aming buhay.

Pinatay ang Asawa ko ng walang awa, walang kalaban-laban. Nakita ko at ng mga anak ko kung paanong parang hayop na pinatay si Junjun. Ang anak kong si Jam ang una sa amin na nakita ang tatay niyang nakahandusay na sa daan.

Paano na ang mga anak ko? Si Jam na labing-walong taong gulang pa lang, nasa edad na pinaka-kailangan niya ng ama na gagabay sa kanya. Tinitignan na lang niya ang mga larawan at video ng pagkanta ng Papa niya hanggang maalala niya na wala na ang Papa niya. Si Bianca na nagsisimula pa lang ng sariling buhay, kanino na siya hihingi ng payo?

Hindi kami halos makakain o makatulog. Lahat ng gawain na mahalaga sa buhay tulad ng pagkain, pagtulog, at pagligo, lahat mahirap nang gawin para sa amin. Araw-araw matapos nilang patayin ang Asawa ko, hindi ko alam kung paano kami babangon at magpapatuloy.

Alam ba nila ang pakiramdam ng pamilyang hindi matignan ang sariling bahay dahil takot na makita itong wala doon ang tatay nila?

Oras-oras na umiiyak kami at nagtatanong sa Diyos, “Panginoon, bakit pinabayaan mong patayin nila ang Asawa ko?” Paano nila naatim na patayin ang ama ng mga anak ko? Gumising ba sila isang araw at ginusto na lang nila pumatay ng tao? Saan kami maghahanap ng katarungan para kay Kalog?

Anong uri ng Pasko at bagong taon ang naghihintay sa pamilya naming ipinagkaitan ng isang ama, asawa, anak, kapatid, at tiyuhin? Paano kami mabubuhay na wala ang asawa ko?

Wala kaming ibang magawa kung di humagulgol sa iyak at magdalamhati. Naulila kami. Napakakawawa namin. Wala kaming magawa. Halos isumpa namin ang mundo. Ipinagdarasal at ipinapasadiyos na lang namin ang lahat nang ito. Hindi namin alam kung anong mangyayari sa amin ngayong wala na siya. Ang alam lang namin, nawalan kami. Nawalan ako ng Asawa at katuwang sa buhay. Biktima ang Asawa ko ng makasariling mga interes at kawalan ng konsensya. Hindi siya pumanaw o namayapa lang. Pinatay siya. Biktima ang asawa ko ng isang krimen na hanggang ngayon hindi pa nalalagot sa batas ang may gawa.

Hindi maiwasang gustuhin na maghiganti ang isang nawalan. Hanggang ngayon, nanginginig kami sa poot at galit. Nawalan kami pero nawalan din ang Santo Tomas ng isang taong tapat ang serbisyo’t pagmamahal sa bayan. Madali para sa aming hilingin na maranasan ng mga pumatay sa Asawa ko ang bawat sakit at pighati na nararanasan namin ngayon.

Kahit barilin sila at mamatay nang paulit-ulit, hindi pa rin magiging sapat iyon para maunawaan nila ang sakit na nararamdaman namin ngayon. Ngunit anong buti ang maidudulot nito? Maibabalik pa ba sa pamamagitan ng paghihiganti ang buhay ng aking Asawa?

Sa dami ng mga katanungang naglalaro sa aking isipan, wala akong maisip na sagot sa lahat nang ito. Saan hahantong ang lahat ng ito? Kailan kaya matatatapos ang aming pangangamba? Wala akong alam na kasagutan. Ngunit ang nagbibigay lang po sa amin ng lakas at panatag na loob ay ang kadahilanang mayroon tayong Diyos at Panginoon. Diyos na makapangyarihan. Diyos na alam kung ano ang mabuti para sa atin. Diyos na hindi pwedeng magkamali. Diyos na alam niya ang ating hinaharap. Diyos na lumikha sa atin. Diyos na mayroong layunin kung bakit tayo nilikha. Kaya nauunawaan ko po na mayroon layunin ang Diyos kung bakit nilikha si Junjun. Nilikha si Junjun para matupad ang layunin ng Panginoon. Marahas ang naging kamatayan ni Junjun. Malalim na ang sugat at sakit na idinudulot nito sa aming pamilya. Ngunit ito ay isang makabuluhang kamatayan, isang kamatayang dapat nating bigyan ng halaga patungo sa ating hangaring mapalaya ang ating bayan na sa kasalukuyan ay nababalot sa takot at karahasan.

Bago po ako magtapos, akin pong ipinapaalala na ang paghihiganti ay hindi magdudulot ng kabutihan sa atin. Bagkus, ito ay lilikha lamang ng paulit-ulit na karahasan.

Ang tanging paraan para makamit natin ang kapayapaan ay ang iwaksi at kasuklaman natin ang karahasan. At para matigil na ang lahat ng karahasan na bumabalot sa ating bayan, ngayon sasabihin ko: Pinapatawad ko kung sino man ang pumatay sa aking Asawa. Pinapatawad ko kung sino man ang mga taong nasa likod ng pagpatay kay Junjun. Mabigat man sa aming damdamin at kalooban ang magpatawad, ito lang ang tanging paraan para matigil na ang karahasan sa ating bayan. At dagdag nito, hinihiling ko po sa ating Panginoon na patawarin sila.

Sa aking pagtatapos, hinihiling ko po na tayo ay tumayong lahat at samahan niyo po ako sa isang

Panalangin:

Panginoon, patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan. Ikaw ay kinikilala namin na aming Diyos at tagapagligtas. Kami ay humihihingi ng iyong kapatawaran upang kami ay matuto din na magpatawad. Sa mga sandali pong ito, pinapatawad na namin ang pumatay sa aking asawa at mga taong nasa likod ng pagpatay sa kanya. Ipinagdarasal po naming na magkaroon ng kapayapaan ang aming bayan. Ipinagdarasal namin na magkaroon kami ng pagmamahal sa bawat isa. Dalangin po namin na magkaroon din kami ng pagmamahal sa aming bayang Sto Tomas. Salamat sa lahat ng nakidalamhati at nakiramay sa amin Panginoon. Salamat po sa buhay na ipinagkaloob mo kay Junjun. Salamat po sa dalawampu’t anim na taong pagsasama namin. Salamat po sa mga kaligayahan at kahirapan na magkasama naming hinarap. Salamat po sa apatnapu’t pitong taon ng buhay ni Junjun dahil kahit naging maikli ang buhay niya, nakasama pa rin namin siya. Pasalamatan at luwalhatiin natin ang Diyos, sa pangalan ni Hesus. Amen.

NO FUN IN BORACAY. Share ko ang sinabi ng isang regular visitor sa Boracay ayon sa isinulat ni Stella Arnaldo ng Business Mirror.

Before we made our way to our seats on the plane, Layette said, “I wish they would bring it back. The vibe. You know, Boracay became known around the world because of its vibrancy. The liveliness. The fun. If they don’t or can’t bring it back, maybe we’ll go somewhere else next year.”

It was sad to hear. But I couldn’t blame her. I had just experienced the same. And I had been going to Boracay since the late-1980s. The changes were quite palpable.

Eto naman po ang ending ni Stella Arnaldo: Sensible measures are needed to keep Boracay’s environment pristine and sustainable. But please don’t kill the fun. Don’t kill the vibe. Don’t kill the island’s soul. Don’t remake Boracay into an island it never was with government’s overregulation.

Entry filed under: News.

EDITORIAL:  Alaminos City at Bayan ng Bayambang -Golden Awardees ng NADAC JDV’s WELL WISHERS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,631 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2018
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: