EDITORIAL: Iwas paputok sa pagsapit ng Bagon Taon

December 25, 2018 at 9:52 am Leave a comment


Hindi maiiwasan ang paggamit ng mga ibat-ibang klase ng paputok upang salubungin ang pagpasok ng Bagong Taon.

Ayon sa nakagisnang kultura, ang ingay na dulot ng mga paputok ay nagtataboy raw ng mga masamang espiritu at nag-aanyaya ng panibagong suwerte sa buhay. Ang mas malakas at nakatutulig na mga ingay sa pagpapaputok, ayon sa mga nakakatanda, ay mas maraming suwerte ang papasok sa buhay.

Sa paglipas ng mga taon, nag-iiba ang mga klase ng paputok. Ang mga simpleng rebentador o ang tradisyonal na “trayangulo” ay napalitan ng mga mas mataas na uri ng mga paputok. Nandiyan yong mga malalaking rebentador gaya ng ” sinturon ni Hudas”, “goodbye Philippines”, “whistle bomb”, “torpedo”, ” baby rocket”, atbp.

Ang mga ito ay ginawa ng mga malikhaing kaisipan dahil kaakibat nito ay negosyo at pagkamkam ng salapi sa pansariling interes. Ang paggawa ng mga paputok mula sa “gun powder” ay malawakang negosyo, hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Sa mga nagdaang taon, ang paggamit ng mga malalakas na uri ng mga paputok ay nagbuwis ng maraming buhay at nagdulot ng panghabang buhay na kapansanan sa iba. May mga naputulan ng daliri sa kamay, braso, paa o di kaya ay nabulag. Bago pa man papasok ang bagong taon, ang mga ospital ay puno na ng mga pasyente na dulot ng mga iresponsableng paggamit ng paputok.

Hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagbigay ng mga paalala tungkol sa pag-iwas ng paggamit ng paputok sa pagsapit ng bagong taon. Ang Department of Health (DOH), mga ospital, mga lokal na pamahalaan at ang Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng malawakang kampanya sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng “Iwas Paputok Campaign”.

Gamit ang mga radyo, telebisyon, pahayagan, “social media” at mga iba pang pamamaraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga tao ay isinagawa, subalit sadya yatang matigas ang kaisipan ng ating mga kababayan na hindi inaalintana ang mga perwisyong ibinibigay ng paggamit sa mga paputok.

Hindi pa man bagong taon, mayroon ng biktima ng paputok sa bayan ng Alcala. Ito ay ayon sa ulat ng DOH noong nakaraang linggo. Kung ingay lang ang ating inaasam sa pagsapit ng Bagong Taon, maaari naman nating kalambangin ang mga lata, hipan ang mga torotot at ano pang uri ng pwededeng paingayin huwag lang ang mga paputok.

Sa ngayon, abala ang DOH lalo na ang mga ospital sa paghahanda ng Bagong Taon. Mayroon ng mga gamit medikal at mga gamot na maaaring gamitin kung sakali mang may mga biktima ng paputok.

Ang PNP naman ay nagtalaga ng mga lugar na maaari lang magbenta ng paputok. At may mga ipinagbabawal na mga klase rin ng mga paputok gaya ng piccolo, watusi, dinamita, atbp.

Sana naman ay bigyan pansin ng pamahalaang nasyonal ang pagbusisi sa mga tagagawa o mga negosyante ng mga ibat-ibang uri ng paputok gaya ng kalidad sa paggawa at sapat na pagbibigay babala sa paggamit ng mga ito.

Entry filed under: News.

Abono shows agri-technology farm to farmers MAGANES: My top news stories in Pangasinan for 2018

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,740 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

December 2018
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: