EDITORIAL: Pagdiriwang ng ‘Undas’

October 31, 2018 at 7:41 pm Leave a comment


Habang sinusulat ang tudling na ito ay tapos na ang pagdiriwang ng “Undas” o Araw ng mga Patay noong Nobyembre 1 at 2. Kung saan galing ang salitang “Undas” ay hindi pa nasaliksik bagamat may nagsasabing galing ito sa dalawang salitang Espanyol na “andar” o maglakad at “honrar” o pagpupugay.

May kasabihan na ang pag-alaala sa mga patay ay ang paninilbihan sa mga buhay. Sa araw ng Undas, maraming tao ang pumupunta sa sementeryo upang magbigay pugay sa kanilang minamahal sa buhay na yumao na sa sanlibutan. Naglalagay sila ng sinindihang kandila at mga bulaklak sa ibabaw ng mga puntod. Ang ganitong kaugalian ay namana na sa mga sinaunang kultura na kaakibat ng relihiyon.

Iba na rin ang mga kaugalian sa modernong panahon. Pakaunti na ang nagpapaintura sa mga puntod. Napalitan na ito ng mga “washed out peebles” at marmol. Mayroon pang bakod at silong ang mga puntod. Hindi na rin masyadong inaalintana ang pagdiriwang nito. Ang mga kabataan ay pagalagala dala ng kanilang mga cellphones para mag-selfie at mag-groupie sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Nawawala na ang diwa ng pagdiriwang ng Undas.

Naging komersiyal na rin ang pagdiriwang ng Undas. Sa mga malls, ibat-ibang gimik ang ginagawa. May “trick or treat” na wala naman sa sinaunang kinaugalian. Mayroon pang Halloween Night sa Oktubre 1 na kinabibilangan ng pagsusuot ng mga nakakatakot na maskara at mga kasuutan. Wala ng kabuluhan ang paggunita sa mga alaala ng mga patay. Nakatuon na ang mga tao sa mga komersiyalismo na pilit ng mga negosyante na ipasok ang mga ito sa kaisipan ng mga tao.

Wala na rin yong mga nangangaluwa. Ito ay napalitan sa pagpunta sa mga malls ng buong pamiya o grupo ng mga magkakaibigan. Bakit di na lang natin balikan ang mga nakagisnan na kaugalian?

Kung bibigyan natin ng buod at diwa ng pagdiriwang ng Undas, bakit di na lang nating dalawin ang puntod ng ating mga mahal sa buhay. Ipagdasal natin sila. Kung sabagay, hindi rin natin alam kung nasaan sa ngayon ang kanilang mga kaluluwa. Sila ba ay nasa piling na ng Diyos o ang kanilang mga kaluluwa ay nandito pa rin  sa sanlibutan.

Bagamat nagbabago na ang tradisyon at kultura, ang kabutihan ng pagdiriwang ng Undas ay ang katotohanan na ipinapakita natin ang ating mga pagmamahal sa mga yumao na.

Ang pagmamahal ang buod kung bakit tayo ay nabubuhay pa.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: War on drugs, doomed? Guico launches ‘Grab Trike’ in Binalonan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,570 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2018
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: