EDITORIAL: Mapayapang paghahain ng kandidatura sa Pangasinan

October 22, 2018 at 12:11 pm Leave a comment


Gaya ng inaasahan, dagsaan ng mga pulitiko sa huling araw na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng kandidatura. Sa limang araw na itinakda mula Oktubre 11-12, at Oktubre 15- 17, ang huling araw ang pinakamaraming pulitiko ang naghain ng kanilang kandidatura sa mga ibat-ibang posisyon. Ang ganitong obserbasyon ay pangkalahatan sa buong bansa pati na rin sa opisina ng Comelec sa Intramuros, Manila.

Sa Pangasinan Provincial Comelec Office sa Dagupan City, pinakaunang naghain ng kandidatura si Darwina Sampang na tatakbong Board Member ng ika-tatlong Distrito ng Pangasinan. Sumunod sina Bolinao Mayor Arnold “Noli” Celeste na tatakbong Kongresista ng unang Distrito, Board Member Raul P. Sison na tatakbong Kongresista ng ikalawang Distrito, Donabel Fontelera sa pagka Board Member sa unang Distrito, Alaminos City Mayor Arthur F. Celeste na tatakbo sa pagka Gobernador at Roberto A. Merrera na tatakbong independente bilang Kongresista sa ikalawang Distrito.

Sa ikalawang araw ng paghahain ng kandidatura sa Provincial Office ng Comelec, isa lang ang naghain ng kandidatura na si Ernesto Regaspi na tatakbong Kongresista.

Sa ikatlong araw, dumagsa naman ang grupo ni Gobernador Amado “Pogi” Espino III na tatakbong muli sa pagka Gobernador kasama sina Bugallon Mayor Jumel Espino na tatakbong Kongresista ng ikalawang Distrito, Rep. Amado T. Espino Jr. na tatakbong muli sa pagka Kongresista ng ikalimang Distrito, dating Board Member Angel Baniqued Sr. na tatakbo sa pagka Bise Gobernador, Generoso Tulagan Sr. sa pagka Board Member ng ikatlong Distrito at Board Member Nestor Reyes na tatakbo muli sa kanyang posisyon sa ikalawang Distrito. Si Vici Ventanilla ay naghain din para Board Member ng ikatatlong Distrito at si Maria Andrea V. Meneses na tatakbo sa pagka Board Member ng ikalawang Distrito.

Sa bandang hapon ng ikatlong araw ng paghahain ng kandidatura ay kinabibilangan nina Binalonan Mayor Ramon “Mon-mon” Guico III sa pagka Kongresista ng ikalimang Distrito, Villasis Councilor Nicholi Jan Louie Q. Sison sa pagka Board Member ng ikalimang Distrito, dating Board Member Von Mark R. Mendoza sa pagka Board Member ng ikalawang Distrito, Board Member Rene Anthony Sison sa pagka Board Member sa unang Distrito at dating Koronel Paterno Orduña sa pagka Bise Gobernador.

Sa ikaapat na araw, ang kilalang pulitiko na naghain ng kanyang kandidatura ay sina 4th District Rep. Christopher De Venecia na tatakbong muli sa kanyang posisyon, Alfie Fernandez sa pagka Kongresista ng ikaapat na Distrito, si Gryson De Venecia sa ganoon ding posisyon sa ika-apat na Distrito, Board Member Maria Rosary “Chinky” Perez-Tababa na tatakbong muli sa pagka Board Member ng ikalimang Distrito.

Dagsaan na ang mga pulitiko sa huling araw ng paghahain ng kandidatura na mahirap ng sundan ang mga pangalan. Mga kilalang personalidad na naghain ng kandidatura ay sina Tim Orbos sa pagka Kongresista ng unang Distrito, Tayug Mayor Tyrone Agabas na tatakbo sa pagka Kongresista ng ika-anim na Distrito, 3rd District Rep. Rosemarie “Baby”Arenas na tatakbo muli sa dating posisyon, Atty. Nelson Palaris na tatakbo sa pagka Board Member ng ika-anim na Distrito, at marami pa.

Ang punto dito ay kung bakit sa mga huling araw na nagdagsaan ang mga pulitiko sa paghahain ng kandidatura. Mayroon bang sinusunod na punsoy o iyong mapagpalang araw? Bakit di sila naghain ng kandidatura sa mga araw na hindi dagsaan ang mga pulitiko. Ganito rin ang obserbasyon sa mga bayan at siyudad sa Pangasinan.

Bagamat ganyan na nga ang kalakaran sa pulitika, ay mainam dito ay mapayapa ang pagsasagawa ng paghahain ng kandidatura ng mga pulitiko at walang maririnig na iringan sa mga ibat-ibang kampo ng partido.

Entry filed under: News.

TIM FOR FIRST DISTRICT Mon-mon Guico: People looking for changes, innovations

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2018
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: