EDITORIAL: Pagpupugay sa mga gurong Filipino

September 24, 2018 at 11:30 pm Leave a comment


Walang karunungan kung walang mga guro. Wala ring mga doktor, dentista, enhinyero, manunulat, at iba Iba pang propesyon kung wala sila. Ang mga guro ang tinatawag na mga pangalawang magulang. Katulong sila sa paghubog ng ating asal at kaalaman. Dahil sa mga naturan, binibigyan ng pamahalaan ng kaukulang respeto at pagpupugay ang mga gurong Filipino.

Noong Agosto 9, naglabas ang Kagawaran ng Edukasyon ng isang Memorandum Order No. 130, series of 2018 na naglalayon ng pag-obserba ng “National Teachers’ Month” mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Ito ay naaayon sa Presidential Proclamation No. 242 at Republic Act No. 10743.

Sa naturang Memorandum Order, ang layunin ng selebrasyon ng National Teachers’ Month ay ang mga sumusunod: pagbibigay pugay at pagkilala ng kahalagahan ng pagtuturo bilang propesyon, bigyang importansiya ang ambag ng mga guro sa “nation building”, paigtingin ang imahe ng mga guro upang mabigyan sila ng tamang respeto at maitaas ang antas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng mga guro sa lipunang Filipino, bigyan ng malawakang suporta ang mga guro, at ibigay ang pasasalamat sa mga naiambag nilang positibong aral sa mga mag-aaral na Filipino.

Mahirap ang mga gawain ng mga guro. Kulang kung ating tutuusin ang kanilang mga suweldo. Marami pa silang gawain sa paaralan kahit lampas na sila sa oras na magtrabaho. Kung minsan, ang mga guro ay hindi binibigyan ng kaukulang respeto ng mga mag-aaral pati na rin ng mga magulang. Kaunting pagsaway sa mga mag-aaral ay nauuwi pa sa reklamo o kaso.

Mataas ang antas ng mga guro sa ating lipunan. Sila ang mga bayaning hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala. Nagbubuwis din sila ng kanilang buhay sa tuwing mayroong halalan. Bakit hindi natin bigyan man lang sila ng pagpupugay araw-araw? Ang paglinang nila ng ating kaalaman ay hindi matutumbasan kailan man. Sila rin ang humuhubog sa ating personalidad bilang isang tao at mabuting mamamayan.

Nakikiisa ang patnugutan ng pahayagang ito sa pagbibigay pugay sa lahat ng mga guro sa sambayanang Pilipinas. Ang hamon ng buhay ng mga kabataan ay nakaatang sa inyong mga balikat.

Mabuhay ang mga gurong Filipino!

Entry filed under: News.

MAGANES: Remembering Martial Law under the Marcos administration It’s final, Art for guv – Kin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,577 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2018
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: