EDITORIAL: Pagpupugay sa mga pulis ng Pangasinan sa likod ng kalamidad

September 17, 2018 at 8:31 am Leave a comment


Tapos na ang pananalasa ng Bagyong Ompong. Ito ay isang napakalakas na bagyo na umabot pa sa signal no. 4 sa Cagayan, Isabela, Apayao at Abra. Ibig sabihin nito, umabot sa 205 kilometro bawat oras at may bugsong 255 kilometro bawat oras. Ang mga karatig na lalawigan sa mga unang nabanggit ay may signal no. 3, 2 at 1. Ang lalawigan ng Pangasinan ay nasa ilalim ng signal no. 2.

Matinding pangamba ang idinulot ng bagyo sa mga mamamayan. Hindi pa natatapos ang bahang dulot ng habagat ay nandito na naman ang malakas na bagyo na puminsala sa mga ari-arian at mga pananim. Ang kabutihan lang, sa panahong ito ay handa na ang pamahalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga tao.. Noong Styembre 13, pinulong na ni Pangulong Duterte ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na kung saan nagbigay siya ng mga utos sa kanyang gabinete na mamuno sa operasyon ng kakailanganin sa pagtulong ng mamamayan. Pinakilos din ang mga Provincial Disaster Risk Reduction Management Councils (PDRRMCs) at mga lokal na MDRRMCs, Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Sa madaling salita, naihanda ng pamahalaan ang mga kakailanganin sa pagdating ni Bagyong Ompong.Sa Pangasinan, aktibo ang Provincial Police Office (PPO) na pinamumunuan ni Provincial Director Wilson Joseph Lopez sampu ng mga lokal na police stations sa pagtulong sa mga mamamayan. Sila ay nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan lalo na sa PDRRMC at MDRRMCs ng mga bayan at siyudad. Kung gaano sila kabilis sa pagbibigay kaagad ng serbisyo sa mga mamamayan, mabilis din silang magbigay n impormasyon upang maibsan ang pangamba ng mga mamamayan.

Dahil sa paggamit ng “social media” gaya ng Facebook at Twitter na kung saan lahat ng lokal na police stations ay may “accounts”, madaling makita ang kanilang mga operasyon sa mga bayan at siyudad. Madali ring makipag-ugnayan sa kanila.

Ang malawakang paggamit ng “social media” ay dahil sa pamumuno ni Police Chief Inspector Norman Florentino, Acting Chief ng Provincial Community Relations Board (PCRB). Pina-igting niya ang pagbibigay ng madaliang impormasyon sa mga mamamayan, hindi lang sa oras ng kalamidad kundi pati na rin ang kanilang mga operasyon kontra sa kriminalidad, pagsugpo sa droga, magagandang gawain ng mga pulis atbp.

Sa pamamagitan ng pahayagang ito, nais naming ibigay ang lubos na pasasalamat sa pamunuan ng PNP sa Pangasinan. Isang pagsaludo sa inyong mga gawain at sana ay magpapatuloy ito para sa kabutihan ng bawat mamamayan.

Isang pagpupugay na galing sa patnugutan ng Northern Watch. Mabuhay ang lahat ng mga pulis sa Pangasinan!

Entry filed under: News.

Alaminos to host S and T Caravan ORTIGOZA: Art Lomibao vs. De Venecia for Congress?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,737 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2018
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: