EDITORIAL: Ang kahalagahan ng ‘survey’

July 24, 2018 at 9:06 am Leave a comment


Malapit na naman ang halalan. Dahil dito maraming “political surveys” na isinasagawa na sa mga may balak na kakandidato sa pagka-senador. Sa lokal na mga kakandidato mula gobernador hanggang sa mga Sangguniang Bayan at siyudad, ang mga survey ay magsisimula pagkalipas ng kanilang paghaharap ng kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 1 hanggang 5.

Ano ba ang kahalagahan ng “survey?” Ito ay ginagamit na paraan upang matukoy ang kamalayan ng mga tao sa mga tatakbong kandidato. Ito rin ay panukat kung ang isang kandidato ay may kakayahang tatakbo sa posisisyong gusto nilang takbuhan lalo na sa mga botante.

Maraming klase ng “survey.”  Sa nasyonal na lebel, dalawang kompanya ang nagsasagawa ng mga “political at social surveys”- ang Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia Survey (PAS). Ang mga ito ang naglalabas ng mga resulta sa mga panguluhan at mga senador. Subalit marami ang mga hindi naniniwala sa resulta dahil kung minsan magkaiba ang mga ito gaya na lang iyong nakalipas na survey sa panguluhan at iba pang mga institusyon ng pamahalaan.

Sa SWS, bumagsak diumano ang popularidad ni Pangulong Duterte pero sa PAS, tumaas naman ito. Sabi ng iba, bakit daw sa dinamidami ng populasyon ng Pilipinas na umaabot sa 140 milyon ay 1,200 lang ang “sample” na kinukuha? Ang bilang bang ito ay nagrerepresenta sa buong populasyon ng Pilipinas?

Ang “survey” ay isang instrumento na base sa siyentipikong pamamaraan. Ang ginagamit ay “statistics” o estadistika na may mga panukat sa mga ito. Ang mga “sample” ay nagmumula sa mga ibat-ibang lugar at antas ng pamumuhay at ito ay kinukuha sa  paraang “random sampling”. Ang mga ito ay tinatawag na mga elemento sa pagsisiyasat. Halimbawa nito ay ang pagtikim sa ating mga niluluto. Pag gusto nating tikman kung tama ang lasa ng ating linuluto, kukuha lang tayo ng isang kutsara nito at tikman. Hindi kailangang tikman ng buo ang linuluto. Ganito ang “survey”.

 Subalit may mga ginagawang survey na hindi naaayon sa pamamaraang siyentipiko. Ang mga ito ang dapat nating siyasatin at bigyang pansin. Kalimitan sa mga lokal na survey ay nagsusulputan ng kung anu-anong grupo na magsasagawa nito. Ang mga ito ba ay mayroon ng naisagawa na kapanipaniwalang survey sa mga nagdaang halalan? Mayroon ba silang tinatawag na “track record” upang maniwala tayo sa resulta ng kanilang survey? O di naman kaya alamin nating kung sino ang gumagastos sa mga ito?

Sa likuran ng mga survey, ang pinakamahalaga ay ang pagsusuri sa mga kandidatong lalapit sa atin. Sila ba ay may magandang hangarin para sa ating bansa, lalawigan, distrito, bayan at siyudad? Sila ba ay tumatakbo sa mga posisyon upang manilbihan ng tapat o mapanatili lang ang kanilang kapangyarihan at magkamal ng salapi ng bayan?

Entry filed under: News.

Abrenica regains Liga headship in Villasis MAGANES: Is mandatory random drug testing of students necessary?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,370 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2018
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: