EDITORIAL: Hulyo, buwan ng tamang nutrisyon

July 15, 2018 at 10:51 pm Leave a comment


Ang buwan ng Hulyo bawat taon ay itinakda ng pamahalaan na “Nutrition Month” o Buwan ng Nutrisyon. Ang selebrasyon nito ay nakapaloob sa Presidential Decree  No. 491, series of 1974 at naging bahagi na dito ang mga paaralan at mga lokal na pamahalaan. Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa upang mapukaw ang kamalayn ng mga Filipino sa pagpapahalaga ng tamang nutrisyon upang mapalakas ang katawan.

Sa taong ito, ang National Nutrition Council (NNC) ay nagsusulong sa pagdiriwang na may temang “ Ugaliing magtanim, sapat na nutrisyon ay aanihin.” Sa nasabing tema, ang operasyonal na salita ay “ magtanim”- magtanim ng mga gulay, punong kahoy, atbp. para magkaroon ng sapat na pagkain sa mga hapag kainan.

Ang mga paaralan ay ginugunita ang pagdiriwang ng ito sa pamamagitan ng mga paligsahan sa pagluluto, paggawa ng mga “slogan” at mga “poster”, subalit nawawala na ang paghikayat sa mga mag-aaral na magtanim sa kanilang mga bakuran. Kulang na rin ang espasyo para taniman sa mga paaralan dahil sa pag-usbong ng mga bagong gusali at silid-paaralan.

Bakit hindi ang mga lokal na pamahalaan ang magsulong sa pagtatanim sa mga bakuran ng kanilang mga sinasakupang residente? Maaari silang bumili ng mga binhi ng gulay at ipamigay sa mga tao sa kanilang mga barangay at itanim ang mga ito sa kanilang bakuran o di kaya sa mga gilid ng kalsada. Nangyari na ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinad Marcos na kung saan ay inilunsad niya ang “Green Revolution”. Noong panahon na yaon, umusbong ang napakaraming gulay sa mga paaralan, mga bakuran, at mga gilid ng kalsada at di na problema ang mga gulay para sa pagkain. Nakapanlulumo lang na hindi nagpatuloy ang ganitong programa sa mga sumunod na administrasyon.

Ang pagbibigay ng sapat na nutrisyon sa mga mag-aaral ay hindi nakaatang sa mga guro sa paaralan. Dapat ang pangunahing nagsusulong nito ay ang mga magulang. Sa bahay pa lang, titingnan na ng mga magluang ang dapat na ilulutong mga pagkain na may sapat na nutrisyon. Hikayatin din nila ang kanilang mga anak na huwag kumain ng mga tsitserya o “junk foods” upang mapanatili ang kanilang mga kalusugan. Kung minsan, dahil na rin sa kakulangan ng impormasyon at pagkasalat sa pera ang mga mag-aaral o mga bata ay hindi nabibigyan ng mga sapat na nutrisyon kaya tumataas ang antas ng “ malnourished at undernourished children” sa ating bansa.

Sa ngayon, isa ng batas yong isinulong ni Senador Grace Poe na libreng pagpapakin ng mga mag-aaral sa mga paaralan. Ito ay bibigyan na ng sapat na pondo ng pamahalaan upang walang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na hindi kumakain ng sapat at kulang sa nutrisyon. Isang magandang batas ito na naglalayon ng isang malusog na pamayanan sa buong Pilipinas.

Subalit, huwag lang tayo umasa sa pamahalaan. Simulan natin ang mga nararapat na hakbang patungo sa sapat na nutrisyon para sa ating mga anak. Simulan na ang pagtatanim upang may aanihin.

Advertisements

Entry filed under: News.

Binalonan employees hold 3rd Sports Fest MAGANES: Police Community Relations

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 916,385 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2018
S M T W T F S
« Jun   Aug »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: