EDITORIAL: May kabutihan ba ang TRAIN Law?

July 8, 2018 at 9:23 pm Leave a comment


Tumaas ang presyo ng bilihin. Tumaaas ng mga pamasahe. Tumaas ang mga bayarin sa mga serbisyo. Ito ang mga mangilanngilan na sinasabi ng mga Filipino sa ngayon.

 Bakit nga ba tumaas ang mga gastusin na nabanggit sa itaas? Ito ba ay dahil sa pag-uutos ng pamahalaang Duterte sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC)? O di kaya naman ay kailangan ito upang ang pamahalaan ay makalikom ng sapat na pondo upang tustusan ang mga proyekto, programa at iba pang gastusin ng pamahalaan?

Maaaring balikan natin ang TRAIN Law.

 Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay nakapaloob sa Republic Act No.  10963 na naglalayon na itaaas ang buwis ng mga produkto at serbisyo sa ating bansa. Ito ay naglalayon din na mapataas ang koleksiyon ng buwis at iba pang bayarin na kailangan ng pamahalaan sa pagtustos sa  mga programa at proyekto nito.

 Dahil sa TRAIN, marami ang umaangal. Marami ang nagrereklamo dahil sa pagtaas ng mga dapat na gastusin sa mga produkto at serbisyo. Sinasakyan pa ng mga ibang pulitiko ang usaping ito na tila ba ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay dahil sa pagpapatupad ng TRAIN Law.

 Tunghayan natin ang ating bansa.

 Ang buwis ang daluyan ng dugo ng pamahalaan. Ibig sabihin nito, kung walang sapat na buwis na malilikom ng pamahalaan, ang mga serbisyong tutustusan ay hindi magagawa. Ang mga Filipino ay ngawa ng ngawa sa mga kakulangan ng serbisyong ibibigay ng pamahalaan gaya ng mga gamot, kalsada, gusling pampaaralan, pagsasaayos sa kalikasan, atbp. Ngunit kung walang sapat na pantustos sa mga ito, walang magagawa ng pamahalaan.

 Ngayon, pupunta tayo sa edukasyon.

 Sa taong ito, libre na ang tuition fees sa mga “state universities and colleges” (SUCs), at kasali na diyan ang mga lokal na unibersidad at kolehiyo. Ito ay isang malaking hakbang ng pamahalaan sa pagbibigay ng kahalagahan sa edukasyon. Kung wala ang TRAIN, saan ba hahagilapin ng pamahalaan ang pondo upang tustusan ito?

 Sa ating mga pananaw, masakit yong maglabas tayo ng pera sa ating mga bulsa dahil sa mga lumalaking gastusin. Subalit, iniisip ba natin, na kaakibat ng mga mataas na gastusin ay tungo naman sa pagpapaunlad ng ating mga adhikain?

 Kailangan din natin mag-isip ng may kalaliman. Maaari tayong magreklamo, pero iisipin din natin kung ang ating mga reklamo ay makatwiran ba o hindi.

Entry filed under: News.

MAGANES: Federalism? CORTEZ: Mark Cojuangco na nga ba for governor ng Pangasinan?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,835 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2018
S M T W T F S
« Jun   Aug »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,454 other followers


%d bloggers like this: