EDITORIAL : Ang katuturan ng Brigada Eskwela

May 20, 2018 at 10:27 pm Leave a comment


 Sa Hunyo 4, magbubukas na naman ang mga paaralan sa mga mag-aaral sa elementarya, junior at senior high schools sa buong kapuluan. Bago ang araw na ito, ang mga namumuno sa mga paaralan ay magsasagawa ng Brigada Eskwela 2018 na nakapaloob sa Department Order No. 066, series of 2018 na may petsang Abril11, 2018.

 Ang Brigada Eskwela ay magsisimula sa Mayo 28 at matatapos sa Hunyo 2, 2018 na may temang, “ Pagkakaisa Para sa Handa, Ligtas at Matatag na Paaralan Tungo sa Magandang Kinabukasan.” Ang implementasyon ng Brigada Eskwela sa mga paaralan ay magpapakita ng pagkakaisa ng mga residente sa komunidad, mga guro, mga estudyante, mga pribadong kompanya at mga boluntaryong mamamayan galing sa mga non-government organizations (NGOs).

 Gaya ng mga naisagawang Brigada Eskwela sa mga nakaraang taon, makikita ang pagkakaisa ng mga nabanggit sa una sa pagkukumpuni ng mga silid-aralan, upuan, pagpipinta sa mga gusali at paglilinis sa kapaligiran ng mga paaralan. Ang mga ito ay isinasagawa upang may kasiguraduhan na ang mga silid-aralan ay kaaya-aya para sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

 Ang Brigada Eskwela ay nagsimula noong 2003 at nakakitaan ito ng pag-unlad ng mga paaralan sa buong bansa. Ang Department of Education (DepEd) ay may kakulangan sa pondo at ito ang nakitang paraan upang ang mga paaralan sa buong bansa ay maisaayos bago magsimula ang pasukan.

 Naging may katuturan ang Brigada Eskwela sa mga komunidad. Ang mga namumuno dito ay nagsasagawa ng mga “ fund raising campaign” gaya ng “fun run” upang makalikom ng sapat na salapi na gagamitin sa mga ibat-ibang gawain na nakapaloob sa Brigada Eskwela. Ang pagsasanib ng mga puwersa ng mga publikong opisina at pribadong organisasyon ay nagpapakita ng pagsulong sa kahalagahan ng edukasyon sa ating mga komunidad.

 Bagamat taunang isinasagawa ang Brigada Eskwela, tila yata may kulang pa sa “information drive” ng DepEd upang mas malawak ang koordinasyon at partisipasyon ng nasa pribadong sektor. Sana sa mga susunod na mga taon, mas marami pang mga pribadong organisasyon ang makisali sa ating mga Brigada Eskwela lalo na yong mga “ alumni associations” ng mga paaralan.

 Ang pahayagang ito ay pumupugay sa pamahalaan ng DepEd, sa lahat ng mga guro, pampublikong opisina, pribadong kompanya at mga NGOs sa pagtulong sa mga paaralan upang maisagawa ang Brigada Eskwela sa taong ito. Dahil dito, napukaw muli ang “bayanihan spirit” ng bawat isa tungo sa pagsasagawa ng makabuluhang adhikain sa ating mga komunidad.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Post election blues In Calasiao, a mechanic wins as kapitan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 910,290 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2018
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: