EDITORIAL   May pag-asa pa ba ang reporma sa halalan?

May 14, 2018 at 1:40 pm Leave a comment


Paglabas ng siping ito ng Northern Watch ay tapos na rin ang halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan (SK). Mayroon ng mga bagong opisyal na ideneklara ng Commission on Election (Comelec) na sila ang mamumuno sa mga barangay sa loob ng tatlong taon. Sana nga ay makapaglingkod sila ng buong puso sa mga taga-barangay na walang tinitingnang kulay ng pulitika na dulot ng halalan.

 Ang administrasyon ni Pangulong Duterte ay nagsusumigaw ng pagbabago sa buong Pilipinas. Ang pagbabagong ito ay magsisimula sa mga barangay kaya nga ang daming mga impormasyon sa mga “media outlets” pati na rin sa “social media” kung paano pumili ng mga opisyal na dapat iboto. Nasunod nga ba ang mga ito? Bakit ang hirap baguhin ang kaisipan ng mga tao tungo sa dapat sana ay malawakang pagbabago.

 Namayagpag pa rin ang mga lumang estratehiya sa kampanya. Malawakan pa rin ang pagbili ng mga boto- pera, mga groserya, bigas, atbp. Bawat kandidato ay gustong manalo kaya lahat ng maisip na gimik ay gagawin upang makamit lamang ang mga minimithing posisyon sa mga barangay. Hindi pa rin nagbago si Juan Dela Cruz. Kaya pa rin niyang ibenta ang kanyang kinabukasan at karangalan dahil lamang sa katiting na salapi. Ang kanyang katwiran ay nakagawian na raw sa mga nakalipas na halalan.

Tama, nakagawian na. At ang mga nakagawian na iyan ang nagsadlak sa dusa ang ating mga barangay. Hindi ganap ang mga serbisyong ipinamamahagi dahil kung susuriin, ang mga nakaupong mga opisyal sa barangay ay naluklok dahil sa pagbili ng kanilang kapangyarihan. Subalit, may mangilanngilan namang opisyal na talagang ginusto ng mga mamamayan kahit hindi sila bumili ng boto. Sila ang mga tunay na pag-asa sa pagbabago sa barangay.

Mayroon pa bang pag-asa ang repormang panghalalan?

Napansin sa nakaraang halalan na ang mga kandidato sa SK ay hindi gumaya sa mga kandidato sa mga barangay. Walang marinig na sila ay bumili ng kanilang mga boto. Nakita sila na nagkampanya sa kanilang sariling diskarte bagamat iyong iba ay sumama sa mga grupo ng kandidato sa barangay. Dito ngayon naiiba ang mga kabataan dahil nga na sila ay hindi na anak o malapit na kamag-anak ng mga nakaupong pulitiko. Ang probisyon sa “anti-dynasty” ang malaking ambag sa pagbabago sa halalang pang-SK.

Sabi nga nila, “ we deserve the officials we have elected”. Dahil tayo ang pumili sa kanila, wala tayong sisisihin kung hindi nila maibigay ang mga serbisyong ating inaasam. Sa huli tayo pa rin ang dapat sisihin.

Ang pahayagang ito ay sumusuporta sa mga reporma sa ating lipunan na sana’y ating naisagawa sa nakaraang halalan. Sa mga nanalong opisyal sa mga barangay, mula sa patnugutan ng Northern Watch, ang mainit naming pagbati sa bawat isa. Congratulations!

Entry filed under: News.

MAGANES: The ouster of Sereno as Chief Justice of the Supreme Court Ex-Kap exposes how SK chair bet buys votes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 944,727 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

May 2018
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,451 other followers


%d bloggers like this: