EDITORIAL: Ang kahalagahan ng ‘Mahal na Araw’

April 2, 2018 at 3:58 pm Leave a comment


Tapos na ang “Mahal na Araw”. Ito ang pagtanaw sa buhay ni Hesu-Kristo na siyang tagapagligtas sa sangkatauhan. Ang “Mahal na Araw” ay nagsisimula sa tinatawag na “Ash Wednesday” at nagtatapos sa “ Araw ng Muling Pagkabuhay” ni Kristo. Sa kabuuan, may 40 araw sa pag-obserba ng “Mahal na Araw” na punong-puno ng mga tradisyong Katolika na namana ng Pilipinas noong sinakop ng Espanya.

Sa paggunita ng “Mahal na Araw” maraming tradisyon na ang tila nawala. Bagamat may mga mangilan-ngilan pa ring gumagawa ng “pabasa”- pag-aawit ng mga pasakit ni Kristo, hindi na masyadong iniinda ito ng mga kabataan. Marahil dahil sa hindi naipasa sa kanila ang tradisyong ito na mga ilang siglo na ring isinasagawa. Nandiyan pa rin ang mga tradisyon ng “senakulo”, ng mga prusisyon ng mga ‘santo” na ginayakan ng mga ibat-ibang palamuti at ang pagbibisita sa mga simbahan.

Dahil ang “Mahal na Araw” ay nataon sa mainit na panahon, hindi na rin maiiwasan na ang mga tao ay pumupunta sa mga “beaches” at mga “resorts” upang magpalamig. Bakasyon grande, wika nga na punong-puno naman ng komersiyalismo sa mga lugar na nabanggit. Pati mga malalaking “malls” ay nakikiayon sa komersiyalismo sa paggunita ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Mayroon pang “Easter” na kung saan pati mga itlog na nakulayan ay ginagawang laro ng mga kabataan.

Hindi masama ang pagsasagawa ng mga kinalakihang tradisyon ng kulturang Filipino. Ang tanong? Saan ba naka -sentro ang paggunita ng mahal na araw? Ito ba ay nakasalalay sa tradisyon at kultura? Nasaan na ang mga pasakit ni Kristo na siyang ginugunita?

Ang “Mahal na Araw” ay panahon ng pagtitika at ng repleksyon sa ating buhay. Paggunita ito sa buhay espirituwal upang maiugnay natin ito sa Lumikha. Panahon upang ating suriin ang ating mga buhay kung tayo ba ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa nating mga tao ayon sa mga aral ni Kristo.

Lumilipas ang mga panahon at mga taon na palagi nating ginugunita ang “Mahal na Araw”. Nasa mga puso at isipan ba natin ang kahalagahan nito? Kung ang ating mga gawain sa paggunita nito ay nakatuon lamang sa mga tradisyon at sa mga kasiyahan sa buhay, nawawala ang esensiya ng paghihirap ni Kristo. Balangkasin sana natin ang tunay na paggunita ng “Mahal na Araw” tungo sa isang malusog na buhay espirituwal.

Entry filed under: News.

Director mum on reason behind abduction of workers SM City Rosales joins Earth Hour celebration

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

April 2018
S M T W T F S
« Mar   May »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,454 other followers


%d bloggers like this: