EDITORIAL: Maligayang pagtatapos sa Batch 2018

March 26, 2018 at 5:55 am Leave a comment


 Panahon na naman ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa mga paaralan- kindergarten, elementarya, senior high school, at kolehiyo. Pagtatapos na tigib ng kaligayahan sa mga mag-aaral lalo na sa mga magulang at mga guro. Subalit, kaakibat ng kaligayahan ay ang pagsisimula ng bagong hamon sa pagtahak sa landas ng buhay.

Sa Batch 2018 ay una nating masilayan ang mga unang magtatapos sa Senior High School sa programang K to 12 ng ating pamahalaan. Nagsimula ito noong 2016 sa Grade 11 na isang bagong hakbangin sa edukasyon ng mga kabataan. Noong simulang ilunsad ito, maraming mga magulang ang hindi nakaunawa sa kahalagahan nito dahil anila panibagong gastusin at dagdag sa taon na pag-aaral ng kanilang mga anak. Maluwalhati na naidaos ng Department of Education (DepEd) ang programang ito na magbibigay ng panibagong bukas sa mga kaunaunahang magtatapos sa Senior High School.

Sa mga magtatapos sa kolehiyo, ang malaking hamon na kanilang lalakbayin ay ang paghahanap ng trabahong mapapasukan na tugma sa kanilang pinag-aralan. May sapat kaya na mga trabahong nakalaan sa kanila? Baka naman kabilang lang sila sa mga libo-libong nagtapos sa kolehiyo na walang mapapasukang trabaho? Ito rin ay isang malaking hamon sa pamahalaan upang maisulong ang paghahanap ng mga trabaho para sa mga magtatapos sa kolehiyo.

Ang pagtatapos sa ano mang antas ng edukasyon ay mga bagong simulain sa buhay. Sa mga hindi pa magtatapos sa kolehiyo ay simula sa bagong antas ng edukasyon. Maraming taon pa ang bubunuin hanggang makompleto nila ang kanilang edukasyon. Sa panig ng mga magulang, ito rin ay hudyat ng mga gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga minamahal na anak.

Isang malaking hakbang na isinagawa ng ating pamahalaan ay ang pagbibigay ng pondo para sa libreng pagpapaaral sa mga publikong paaralan. Sa susunod na pasukan, libre na rin ang tuition fees at iba pang gastusin sa mga “state universities and colleges” (SUCs). Dito natin makikita na ang edukasyon ay binibigyan ng sapat na suporta ng ating pamahalaan. Hindi na rin balakid para sa mga mag-aaral ang mangarap na magtapos sa kolehiyo.

Sa mga magtatapos, marami pa ring mga problema at balakid na susuungin. Subalit ang mga ito ay kayang harapin kung bigyan ng tamang pagsisikap at pagtutok sa mga hangarin sa buhay. Walang balakid na hindi kayang haharapin kung may suporta ang mga magulang.

Sa pamamagitan ng pahayagang ito, iniaalay namin ang lubos na pagbati sa lahat ng mga magtatapos, sa kanilang mga guro at mga magulang.

Maligayang bati sa inyong pagtatapos Batch 2018!

Entry filed under: News.

So gives funds to 3 Villasis schools MAGANES: Critical engagement on social media

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,583 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

March 2018
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: