EDITORIAL :  Apat na taon na ang Sinag

October 23, 2017 at 4:00 am Leave a comment


 Kamakailan lang, nagdaos ng ika-apat na anibersaryo ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa pamumuno ni Chairman Rosendo O. So at mga ibat-ibang organisasyon na sumusulong sa pag-unlad ng agrikultura sa bansa.

Nagsimula ang Sinag noong Oktubre 15, 2013 at sinakop na nito ang Swine Development Council (SDC). Ang SDC ang nagpasimuno sa paglaban ng ismagling ng mga karne ng baboy at manok, at bigas noon pang 2010. Sa pag-usad ng mga taon, hindi na lang karne ng mga baboy at manok, at bigas ang talamak na iniismagel sa bansa kundi pati na rin ang mga ibang produkto ng agrikultura gaya ng sibuyas, bawang, karot, atbp.

Dahil dito, napagkaisahan ng mga “stakeholders” na bumuo ng isang organisasyon na magsusulong ng iisang adhikain upang masugpo ang mga ismagling, “over importation at under declaration” ng mga produktong agrikultura at upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa bansa. Kinilala ng pamahalaan ang Sinag. Sa kanyang paglaban sa ismagling, maraming ilegal na importers ng mga produktong agrikultura ang nasawata.Nagkaroon din ng mga pandinig sa Senado tungkol dito at natukoy ang mga negosyante at mga korporasyon  na nangunguna sa mga ilegal na gawain. Nabalasa rin sa panahon ni Pangulong PNoy ang liderato ng Bureau of Customs (BoC).

Isa sa pinakamalaking nagawa ng Sinag ay ang pagsulong ng batas na Republic Act No. 10845 o “ An Act Declaring Large-Scale Agricultural Smuggling as Economic Sabotage. Prescribing Penalties and For Other  Purposes.  Ito ay tinatawag ding “Anti- Agricultural Smuggling Act of 2016 na pinirmahan ni dating Pangulong PNoy bago niya naisalin ang administrasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Patuloy ang mga organisadong gawain ng Sinag sa pagtulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda.Bagamat nangunguna ito sa paglaban sa ga ibat-ibang uri ng ismagling sa bansa,ang Sinag ay nagsasagawa rin ng mga “social programs” gaya ng “supplemental feeding” sa mga batang mag-aaral, pagpapatayo ng mga silid-paaralan, at pagtulong sa mga mamamayan sa panahon ng kalamidad.

Ang Sinag ay hindi isang party-list. Ito ay binubuo ng mga ibat-ibang organisasyon gaya ng: Abono Party-list, Federation of Philippine Industries, Inc., United Broiler Raisers Association, Philippine Egg Board, Association of Philippine Aqua Feed Millers, Inc., Fertilizer Industry Association of the Phils., Union of Onion Growers and Traders Ass Assn., Bayan Muna Party-list, Arya Progresibo (Bulacan at Baguio City),  National Federation of Hog Farmers,Inc. Pork Producers Federation of the Philippines, AGAP Party-list, atbp.

Mula sa pahayagang ito, isang maiinit na pagbati sa Sinag sa iyong ika-apat na anibersaryo. Sana ipagpatuloy ang pagtulong sa mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa Pilipinas. Mabuhay ang Sinag!

Entry filed under: News.

Zaplan mulls to challenge Arenas in 2019 MAGANES: The memories of celebrating ‘All Saints Day’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,577 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2017
S M T W T F S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: