EDITORIAL:  Mga kaso kontra rice smugglers didinggin na ng DOJ

October 16, 2017 at 9:15 pm Leave a comment


Taong 2012 ng bumulaga sa taong bayan ang talamak na “rice smuggling” sa bansa. Ginagamit ng mga “smugglers” ang mga kooperatiba ng mga magsasaka upang makakuha ng permiso sa National Food Authority (NFA) at Department of Agriculture (DA) upang makapag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. Dahil dito, naapektuhan ang produktong palay ng mga magsasaka. Bumaba ang presyo nito habang namamayagpag ang kita ng mga “smugglers”. Tinutukan ito ng Abono Partylist sa ilalim ni Chairman Rosendo So at kalaunan ay ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag).

Nagkaroon ng pandinig sa Senado noong 2014 sa ilalim ng Committee on Agriculture ni Sen. Cynthia Villar. Natukoy ang mga pangalan ng mga “smugglers” pati ang mga kompanya nila. Si Davidson Bangayan o David Tan ang lumutang na lider ng mga “rice smugglers” lalo na sa Davao City. Noong Setyembre 5 sa taong ito, nag-file na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) pagkatapos na ibinalik ng Department of Justice (DOJ) ang unang nai-file na reklamo noong Agosto 2014.

Sa reklamo ng NBI, si Bangayan o Tan ay natagpuang lumabag sa monopolyo o kombinasyon nito sa kanyang negosyo, “bid fixing”, paggamit ng hindi totoong pangalan na labag sa Article 178 ng Revised Penal Code, at paglabag sa Commonwealth Act No. 142 na sinusugan ng Repaublic Act  No. 6085. Kasama ni Bangayan sa reklamo ng NBI sina Judilyne Lim, David Lim at Lea Echiveria ng Cebu, Elizabeth Faustino, Eleanor Rodriguez, atbp.

Sa tagal ng pag-file ng kaso, ang mga magsasakang Filipino ang apektado. Bakit nga ba matagal na umusad ito bagamat marami namang nalikom na mga ebidensiya noo pang 2014? May mga opisyales kaya ng pamahalaan ang nasa likod nito upang maprotektahan ang mga “rice smugglers”? Panahon pa ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III at ang dating kalihim ng DOJ na ngayon ay si Sen. Leila De Lima.

Sa panahon ngayon ni Pangulong Duterte, malaking hakbang ang pagsagawa ng malawakang imbestigasyon sa “rice smuggling”. Ang pagtutok ng DOJ sa mga kasong ito ay nagpapatunay lamang na binibigyan nila ng halaga ang kapakanan ng mga magsasaka na tunay namang naghahanap ng hustisya sa matagal na panahon.

Matitigil na kaya ang “rice smuggling” sa bansa? Alam natin na hindi lang bigas ang sinisira ng mga “smugglers” pati ang iba pang mga produkto ng mga magsasaka gaya ng karne ng baboy at manok, sibuyas, bawang, at iba pa. Panahon na upang masawata ang mga oportunistang “smugglers.” Panahon na upang bigyan pansin ang mga magsasaka.

Ayon nga kay Sinag Chairman So, hindi matitigil ang mga ito kung ang mga “smugglers” ay may kakutsaba sa pamahalaan na ang iniisip ay magkamal ng salapi na ikinapeperwisyo naman ng mga mamamayan.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES:   Hail to the Presidential Task Force on Media Security! Malacanang to DENR: Act on Lingayen ‘Great Wall’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 666,776 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2017
S M T W T F S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,353 other followers


%d bloggers like this: