EDITORIAL: Pagpapaliban ng Barangay at SK elections, makakatulong ba sa bansa?

October 1, 2017 at 5:40 pm Leave a comment


Ang halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan (SK) ay itinakda ng Commission on Elections (Comelec) na gaganapin sa Oktubre 23, sa taong ito. Subalit, nagpanukala si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Kongreso na ito ay ipagpaliban dahil diumano 40% ng mga kapitan o namumuno sa mga barangay ay kasama sa listahan ng mga nagtutulak o gumagamit ng mga ilegal na droga, o dili kaya’y hawak ng mga “narco-politicians”.

Ayon kay Pangulong Duterte, kung matutuloy ang halalan sa barangay at SK, baka gagamitin ang pera na galing sa droga at lalong mamamayagpag ang mga namumuno sa mga barangay at lalong lalalim ang problema ng droga sa bansa. Ang panukala ng pangulo ay tinugunan ng Kongreso. Kamakailan, inaprubahan ang panukalang batas sa pagpapaliban ng halalan sa House of Representatives at Senado. Hinihintay na lang ang pagpupulong ng “bicameral committee” upang ito ay maging lubos na batas. Sa Mayo 2018 pa magkakaroon ng halalan.

 Ang ikalawang pagpapaliban muli ng halalang pambarangay ay nagpapalawig sa katungkulan ng mga namumuno sa ating mga kanayunan. Ang malabo dito ay kung anong hakbang ang gagawin upang hindi maisulong ng 40% na mga namumuno sa barangay ang kanilang mga operasyon sa droga. Wala sa panukalang batas ang probisyon na italaga ni Pangulong Duterte ang mga opisyales sa mga barangay.

 Maraming nagtatanong sa hakbang na ito ng Kongreso. Bakit kailangan pang ipagpaliban ang halalan kung ang Comelec ay handa ng isagawa ito? Medyo matagal na sa puwesto ang mga kasalukuyang mga opisyales sa barangay at alam naman natin na karamihan sa kanila ay hawak ng mga lokal na opisyales mula gobernador hanggang sa mga mayor. Bagamat ang mga opisyales ng mga barangay ay walang mga partidong kinaaaniban, sila ang nangunguna na ginagawang lideres pagdating ng mga halalan.

 Kung hindi itatalaga ang mga opisyales ng mga barangay, anong garantiya pagdating ng Mayo 2018 na ang pera galing sa ilegal na droga ay hindi magagamit? Hindi kaya sa walong buwan mula ngayon ay lalo nilang isusulong ang mga gawaing ilegal para makaipon ng pera hanggang sa halalan? At bakit hindi na lang ibigay sa kamay ng mga botante ang desisyon sa pagpili nila ng kanilang mga opisyales? Ang pagpapaliban sa halalan ay nawalan ng pagkakataon ang taong bayan na mamili sa kanilang mga gustong opisyales sa kanilang mga barangay.

 Sa kasalukuyan, alam ng mga mamamayan na maraming mga opisyales ng mga barangay ang sangkot sa mga ilegal na gawain. Hindi lang ilegal na droga ang kanilang kinasasangkutan kundi pati na rin sa malawakang kurapsyon, at pati na rin ng mga iba pang anyo ng kriminalidad.

 Kung ang pagpapaliban ng halalan ay magkakaroon ng malawakang pagbabago, dapat isagawa ni Pangulong Duterte ang mga kaukulang hakbangin tungo dito.

Entry filed under: News.

MAGANES: Media security under President Duterte CONGRESS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,581 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2017
S M T W T F S
« Sep   Nov »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: