EDITORIAL:  Kailan titigil ang bangayan ng mga opisyal ng Dagupan City?

September 18, 2017 at 6:19 am Leave a comment


Lalo yatang sumisidhi ang bangayan ng mga opisyal ng Dagupan City sa grupo ni Mayor Belen T. Fernandez at Vice Mayor Brian Lim. Ito ay nag-ugat sa planong paglilipat ng City Hall sa pook ng Pantal-Lucao na kung saan dito rin itatayo ang ” government center”. Ang aksyong ito ng pamahalaan sa ilalim ni Mayor Fernandez ay naaayon sa bagong Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Zoning Ordinance na aprubado ng Regional Development Council (RDC) at Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB).

Sa panig ng grupo ni Vice Mayor Lim, hindi raw dapat na ilipat ang City Hall dahil magiging malayo ito sa mga Dagupeño, tataas ng pamasahe at ang makikinabang diumano ay ang pamilya ni Mayor Fernandez na may mga ari-arian malapit sa plinaplanong “government center”. Ayon sa kanila, ito ay isang anyo ng kurapsyon dahil sa “conflict of interest.”

Dahil sa maugong na pagtuligsa sa CLUP, Zoning Ordinance at ang paglipat ng city hall, minarapat ng Committees on Land Utilization, and Laws, Ordinances and Judiciary ng Sangguniang Panlungsod (SP) na pinamumunuan ni Councilor Joey Tamayo na magsagawa ng pandinig publiko (public hearing) para matuldukan na ang mga sigalot tungkol dito. Nanaig ang boses ng karamihang Dagupeño. Pinapayagan nila ang mga bagong plano ng pamahalaan ng Dagupan City, at ito ay nakapaloob sa ulat ng nasabing Committee. Dahil dito, inilabas na rin ng SP ang Ordinance No.0-608, na kumakatig sa paglilipat ng city hall at pagsasagawa ng “government center.”

Ang “government center” ay may kabuuang 25,000 metro kuadrado at may kaukulang badyet na P500 milyon, na uutangin ng pamahalaan ng Dagupan City. Ayon kay Mayor Fernandez, ito ay taliwas sa sinasabi ng kampo ni Vice Mayor Lim na aabot sa P1 bilyon, at ito ay dadaan pa sa pagsusuri ng Department of Finance (DoF) na kung may kakayahan at kapasidad ang lungsod na mangutang.

Bagamat ang mga oposisyon sa layuning ito ay may karapatan na ilabas ang kanilang hinaing, maliwanag na ang mayorya sa SP ay umaayon dito. Bakit di na lang respetuhin ang aksyon ng mayorya at tingnan ang nakakabuti sa mga Dagupeño? Kung ang pagpapalipat sa city hall at pagsasagawa ng government center ay makakatulong sa lalo pang pag-unlad ng Dagupan City, bakit hindi tingnan sa ganitong perspektibo? Sabi nga nila, ” there’s no monopoly of wisdom.”

Si Mayor Fernandez sampu ng mga miembro ng SP na kumatig sa plano ay walang pasubali na ang iniisip nila ay ang kapakanan ng mga Dagupeño at ang pamahalaan ng Dagupan City. Hindi nila isasagawa ang isang hakbangin na makakasira sa kasalukuyang pamahalaan. Sabi ni Mayor Fernandez, gusto niyang mag-iwan ng “legacy” para sa mga susunod na henerasyon ng mga Dagupeño.

Sa panahong ito, kailangan ang pagkakaisa ng mga pamunuan ng Dagupan City tungo sa kanyang pag-unlad.

Entry filed under: News.

DEATH OF THREE IN SAN NICOLAS ‘Encounter’’not ‘massacre’ -police Sual welcomes another power plant

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2017
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: