EDITORIAL: Avian Flu

August 27, 2017 at 11:07 pm Leave a comment


Bumagsak ang bentahan ng karne ng manok sa merkado. Maraming negosyante ang nabahala sa pagbagsak nito na naging sanhi ng kanilang pagkalugi. Ang dahilan ay ang natuklasang pagpasok ng “avian flu” sa San Luis, Pampanga kamakailan.

 Nabahala ang ” chicken at poultry raisers.” Umaksyon naman ang Department of Agriculture (DA) na nagbigay ng kautusan na patayin ang lahat ng mga manok at sirain ang mga itlog na nasa loob ng isang kilometro mula sa gitna ng bayang San Luis. Wala namang makakalabas na anumang manok, itlog at iba pang produkto ng ibon sa pitong kilometro nito. Ang mga apektadong manok ay ipinasuri pa sa Australia upang malaman kung anong klase ng “avian flu virus” ang kumapit dito.

 Sa lokal na pagsusuri ng Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS), lumalabas na ang “avian virus” ay ang H5, isang uri ng “virus” na walang epekto sa kalusugan ng tao pag nakain ito. Ito ay taliwas sa H5N1, H5N6 at H5N9 na ang mga “virus”na ito ay kumakapit sa tao na dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay. Bakit biglaan ang pag-utos ng DA sa pamamagitan ni Agriculture Secretary Manny Piñol na patayin ang mga manok sa San Luis kung hindi naman pala nakakaapekto sa kalusugan ng tao ang “virus” ng “avian flu”? Di ba dapat sinuri muna ng maigi ang “virus” na ito upang hindi naman nalugi yong mga nagtitinda at mga “chicken at poultry raisers”? Ang naapektuhan ay ang buong industriya ng manukan sa buong bansa.

`Ayon kay Engr. Rosendo So na chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag), hindi sana naapektuhan ng “virus” ng “avian flu” ang mga manukan sa bansa kung ang DA ay mapagmatyag sa mga ipinapasok na karne ng mga manok na galing sa mga ibang bansa. Ang tanong niya ay kung bakit pinayagan ng DA ang mga karne ng mga manok na galing sa ibang bansa na mayroon ng “avian infuenza o flu”? Sa ulat ng UN Comtrade Report at Customs Report na ibinahagi ni Engr. So, ang mga bansa na mayroon ng “avian flu” at ang kanilang mga manok ay pumasok sa bansa ay kinabibilangan ng Australia, Belgium, Brazil, Denmark, Canada, Netherlands, United States of America, United Kingdom, Ireland, France, Italy, Poland at China. Ang “avian flu virus” na dumapo sa kanilang mga manukan ay yong nakakaapekto sa kalusugan ng mga tao. Ito rin kaya ang dahilan na kumalat na ng “avian flu” sa ating bansa?

 Sa ngayon nananawagan ang mga ” stakeholders” sa industriya ng manukan na bawiin na ng DA ang “ban” sa pagsuplay ng karne ng manok na galing sa Central Luzon. Tinatayang P900 milyon na ang nawawala sa industriyang ito. Sa kabilang banda, ang iniisip ng DA ay ang kalusugan ng mga tao na dapat lamang na hindi ipawalang bahala ng pamahalaan. Subalit, ano naman ang kahihinatnan ng industriya ng manukan sa bansa kung patuloy ang ” ban” na ito lalo na at palapit na ang kapaskuhan? Dapat balansehin ng ating pamahalaan ang kanilang aksyon tungkol dito.

Advertisements

Entry filed under: News.

Victims of anti-illegal drugs war in Dagupan MAGANES: Spare the innocents in the ‘Operation Tokhang’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 915,591 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

August 2017
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,430 other followers


%d bloggers like this: