CORTEZ: We can never go wrong if we invest in education- Ejercito

August 13, 2017 at 7:56 pm Leave a comment


brando-maso

Five years na ang validity ng Drivers License, ten years naman ang validity ng passport. Ilang years ba ang validity ng Marriage License?
 
FIVE YEARS VALIDITY NG DRIVER’S LICENSE. Opo extended na ang validity ng Driver’s License dahil pinirmahan na ni Mayor Rody Duterte ang RA 10930 na nagpasok ng amendments sa RA 4136 o yung tinatawag na Land Transportation and Traffic Code.
 
Nadagdagan ang validity ng driver’s license as in humaba ang expiration date ng lisensya sa pagmamaneho.
 
 “Except for student permits, all drivers’ licenses shall be valid for five years reckoned from the birth date of the licensee, unless sooner revoked or suspended.”
 
Pero, mas magiging strikto ang LTO sa pagbigay ng lisensya sa pagmamaneho.
 
Under Section 23, stricter rules and guidelines regarding the issuance of licenses will be enforced by the Land Transportation Office (LTO) to assure that licenses are issued to applicants with “sufficient driving skills and knowledge on road safety and proper road courtesy.”
 
TEN YEAR VALIDITY NG PASSORT. Extended din ang validity ng Passport sa sampung taon. Ayon sa Republic Act No. 10928, ang expiration date ng passport ay aabutin ng sampung taon.
 
Ginawa itong batas ni Cong Gloria Arroyo para hindi pabalik pabalik sa DFA ng mga Pilipino para lang mag-renew ng Passport.
 
UNIVERSAL HEALTH CARE. Sinabi ni Senador JV Ejercito na magiging one hundred percent na ang coverage ng PhilHealth sa pamamagitan ng isang batas sa Universal Health Care.
 
“Siguro we need about one or two more hearings, I want to have hearings in Visayas and Mindanao para yung mga concern in those regions na talaga namang through the years, yung mga facilities nila and services need improvement. So I want to have hearings, one in Visayas, and one in Mindanao”, sabi ni Sen Ejercito

 
Sinabi ni Senador JV na nabangit ni Mayor Rody ang Universal health Care Program sa nakaraang SONA kaya naman gad-agad ay puspusan ang mga hearing sa Luzon , Visayas at Mindanao.
 
Intention din ng bill na ang health care ay para sa lahat as in no balance billing, upgrade ng health facilities.
 
“It was mentioned by the President in the SONA, ‘yung Universal Health Care Program. So iyan ang reason bakit nagkaroon kami ng hearing kaagad. Hopefully we can pass this before the yearend so that we can improve health care coverage. Hopefully, health care for all – yung no balance billing, improvement of health facilities. Iyon ang intention po natin” sabi ni Sen Ejercito
 
Ang proposal daw po ng PhilHealth ay itaas ang premium contributions ang members. Ang regional standard premium ay one hundred dollars pero sa Pilipinas ay ilalagay lang sa fifty dollars.
 
“Yung increase ng premium is proposed by PhilHealth, P2,400 to P3,600 by 2019 for them to be able to improve their facilities and services and at the same time yung health care for all siguro in anticipation na rin to improve the program so they are proposing to increase the premium because by standards naman ang kanila pong justification. We are still below the average dun sa region. Parang lumalabas, 50 dollars lang eh per family so it is very much below the standards, eh 100 dollars sa buong region,” sabi ni Sen Ejercito
 
Nalulungkot si Senador JV sa nakita niya sa kanyang pag-ikot sa mga hospitals dahil ang occupancy ay umaabot sa 200 percent hanggang 300 percent.
 
Ibig sabihin ay overloaded ang mga hospital.
 
“Ang importante naman dito ay yung improvement of health facilities. Sa aking dalawang buwan na pagiging chairman of committee on health, I was able to visit some of the facilities. Medyo nakakalungkot eh, there are hospitals na parang normal lang 200 to 300 occupancy. I’m hoping that with the passage of the Universal Health Care Program and improvement of the budget, I don’t want to see anymore 200-300 percent occupancy. Nakakalungkot, patients in the corridors, patients na nasa mga gymnasium na improvised wards. So hopefully with the passage of this measure, we can also improve on the health facilities as well”  sabi ni Sen Ejercito
 
Ang sabi daw ng DOH ay kailangan ng P228 billion para ma-improve ang health facilities at para mabawasan ang overcrowding sa hospitals.
 
FREE COLLEGE EDUCATION. Isa si Senador JV sa author ng Free Higher Education Act at sinabi niya na dapat ay mas maglaan ng pondo ditto kaysa Conditional Cash Transfer.
 
Well I think yung P100 billion na sinasabi ni Sec. Diokno that includes already the budget for SUCs and P28 billion that is needed for the free tuition. But, ako kasi I’m one of the principal author of the Free Higher Education Act. I would rather spend P100 billion for education than we are now spending P77billion for the conditional cash transfer, 4Ps. Eh sa akin kahit anong anggulo mo tingnan, dole out yan eh. I would rather invest in our youth, especially in education na sa tingin ko mas may malaking tsansa magkaroon ka ng graduate sa bawat pamilya, mas malaki ang tsansa niyan na makakuha ng magandang trabaho na mapaganda ang buhay ng kanyang pamilya,  sabi ni Sen Ejercito.
 
Sinabi ni Senador JV na ang Free Colege Education ay magbibigay ng mas magandang pagkakataon para umunlad ang buhay ng pamilyang Pilipino
 
“…both Houses already passed the Free Higher Education Bill. I’m hoping…this would be good for all because this is an investment, again, magkaroon ka ng graudate bawat pamilya, mas malaking tsansa na mas mapaganda mo yung kalidad ng buhay ng pamilya,” sabi ni Sen Ejercito
 
Nakikiisa po tayo kay Senador JV Ejercito na sana ay huwag i-veto ni Mayor Rody ang panukalang batas sa Free Higher Education dahil ito ay isang investment para sa kinabukasan ng bayan.
 
Ang perang gugugulin sa Free Higher Education ay hindi dapat ituring na gastos kungdi isang investment.
 
“Well, he has very high rating – 82 percent as of now napakataas ng kanyang political capital. I am just hoping na huwag (niya) sayangin yung political capital. Sayang lang kasi ito makakatulong talaga makakadagdag pa ito. Although he does not need it because he remains very popular, but I think it’s an investment for the future. Hindi tayo magkakamali, we can never go wrong if we invest in the future especially in education,” sabi ni Sen Ejercito

FREE WI-FI NATIONWIDE. Pinirmahan ni Mayor Rody ang RA 10929 Free Broadband sa lahat ng public places sa buong bansa.
 
The law aims to “promote knowledge-building among citizens and enable them to participate and compete in the evolving information and communication age.” 
 
Ang sinasabing Public places kung saan may free internet access ay sa mga national at local government offices, public basic education institutions, state universities and colleges at mga Technical Education and Skills Development Authority technology institutions.
 
Kasama din sa itinuturing na Public Places ang public hospitals, health centers and rural health units, public parks, plazas, libraries and barangay reading centers, public airports and seaports and public transport terminals. 
 
Ang pondo ay magmumula sa itatayong Free Public Internet Access Fund na pamamahalaan ng  Department of Information and Communications Technology.
 
Lahat ng nabangit na batas na pinirmahan ni Mayor Rody tulad ng extended validity ng Driver’s License, extended validity ng Passport at Free Wi-Fi ay makakatulong sa mga Pilipino.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

Ombudsman dismisses cases vs. Mangaldan mayor, top cop DOST, De Venecia turn over bioreactor facility to San Fabian

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 633,354 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2017
S M T W T F S
« Jul    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: