EDITORIAL:Libreng tuition sa 2018 sa mga SUCs

August 7, 2017 at 6:57 am Leave a comment


Tapos na ang agam-agam ng mga estudyante at mga mamamayan tungkol sa libreng kolehiyo sa mga state universities and colleges (SUCs). Tinuldokan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga agam-agam na ito ng nilagdaan niya noong Agosto 3 ang Republic Act No. 10931 o ang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act.” Ito ay matapos na gustong hadlangan ng kanyang mga “economic managers” na naglayon na i-“veto” ito nga Pangulo.

 Nanaig ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na mabigyan ng magandang bukas ang mga kabataan sa pamamagitan ng libreng kolehiyo. Dito makikita ang katapatan ng Pangulo na isulong ang mga nakakabuti sa karamihang Filipino lalo na sa larangan ng edukasyon. Ayon kay Kalihim Benjamin Diokno ng Department of Budget and Management (DBM), ang pagpapatupad ng batas na ito ay nangangailangan ng P100 bilyon. Subalit, ayon naman sa mga kongresista at akademya, mga P12 bilyon lang ang akmang “budget” o pondo dito.

Ang paglalayon sa nasabing batas ay magsisimula sa pasukan sa 2018. May kabuuang 112 SUCs ang makikinabang dito. Ang katanungan ng maraming mamamayan, sakop ba nito yong mga may kaya sa buhay at sa mga SUCs nag-aaral ang mga anak? Hindi ba dapat na sila ay magbayad upang matulungan ang pamahalaan? Subalit hindi namimili ang batas. Ito ay angkop sa lahat ng antas ng buhay ng mga Filipino.

Pagkatapos ng paglagda ng Pangulo sa batas, gagawa ngayon ang Commission ng Higher Education (CHED) sa pakikipag-ugnayan sa mga namumuno ng SUCsng “Implementing Rules and Regulations”. Dito na natin makikita kung paano maisagawa ang batas sa 2018.

Isang magandang hakbang ang libreng pagpapaaral sa kolehiyo tungo sa pagbabago.Ang mga kabataan na salat sa pagtustos ng kanilang pag-aaral ay magkakaroon ng oportunidad na makatapos ng kanilang mga kurso. Ang edukasyon ay isang “investment” para sa kinabukasan ng bansa.

Bagamat libre na nga ang kolehiyo sa SUCs sa 2018, sana naman ay hindi makompromiso ang kalidad ng edukasyon. Kailangan pa rin ang pagpapatupad ng tamang pamantayan sa edukasyon upang ang bansa natin ay hindi maging isang “diploma mill” sa hinaharap. Kaakibat din nito ay ang pagkakaroon ng mga mapapasukang trabaho.

 Matagal na rin ang panukala sa batas na ito. Maraming Pangulo na ang nagdaan subalit ngayon lang natupad ang inaasam-asam ng mga kabataang Filipino.

Advertisements

Entry filed under: News.

BFAR searches for cleanest coastal town in Region I MAGANES: The continuing war on illegal drugs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 656,603 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

August 2017
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: