EDITORIAL : Tag-ulan, panahon na naman ng mga baha at bagyo

July 30, 2017 at 11:07 pm Leave a comment


 Tag-ulan na naman. Pag dumarating ang panahon na ito, dala niya ang malalakas na bagyo na nagdudulot ng baha sa mga ibat-ibang lugar sa bansa.

 Ayon sa Philippine Atmospheric and Geophysical Services Administration (Pag-asa), may mga susunod pang mga bagyo pagkaalis ni Bagyong Gorio na magdudulot ng baha at kapinsalaan ng mga pananim, ari-arian at mga hayop.

 Bagamat taun-taon, na tayo ay binibisita ng mga bagyo at kaakibat na pinsala, ito ay pinagtutuonan ng pamahalaan sa pagpapaigting ng mga Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMC) ng mga lalawigan at mga bayan. Ito ay upang mabigyan ng kaukulang babala at tulong ang mga tao pagdating ng mga nasabing kalamidad.

 Pag-iingat ang mensahe ng mga DRRMC para sa mga tao. Ang pag-iingat ay kaakibat ng tuwirang paghahanda para walang buhay na mabuwis na dulot ng kalamidad. Sa Pangasinan, nakahanda na ang pang-lalawigang DRRMC kasama na ang mga bayan.

 Pinag-iingat tayo hindi lang sa mga sakuna na idudulot ng mga kalamidad kundi pati na rin ng pangkalusugan. Sa panahon ng tag-ulan, nandiyan din ang paglipana ng mga lamok na dala ang virus sa dengue, paglipana ng mga daga na may dalang “leptospirosis”.

 Bagamat ang pamahalaan ay handa na sa mga pangangailangan sa mga kalamidad, gaano naman kaya tayo kahanda sa mga ito?

 Magsisimula sa atin ang paghahanda. Patibayin natin ang ating mga kabahayan lalo na sa mga hindi  gumagamit ng mga matibay na materyales. Ayusin natin ang ating mga kapaligiran lalo na ang ating mga alulod at mga “drainage canals”. Sabi nga nila, ” an ounce of prevention is worth a a pound of cure”. Huwag lang tayo umasa sa pamahalaan. May mga dapat nating gawin upang hindi mapalala ang mga sakunang darating sa pagpasok ng kalamidad gaya ng bagyo at baha.

 Tag-ulan na naman. May magandang naidudulot din ito lalo na sa mga magsasaka at mangingisda. Sa mga magsasaka, ang mga pananim ay lalago at maiiwasan ang pagkatuyot ng mga ito. Sa mga mangingisda, ang tubig sa mga palaisdaan ay malilinis upang maging malusog ang mga isdang inaalagaan dito.

 Sa likod ng mga paghahanda, kailangan natin ang taos pusong paghingi ng tulong sa Maykapal para ilihis tayo sa mga sakunang dulot ng mga bagyo at baha.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Duterte’s SONA Rivera confirmed as Dagupan City Health Officer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: