EDITORIAL: Ang kartel ng bawang sa Pilipinas

July 23, 2017 at 9:05 pm Leave a comment


 Tila namamatay na ang industriya ng bawang sa ating bansa. Maraming magsasaka ng bawang ang tumigil sa pagtatanim dahil sa paglipana ng mga inaangkat na bawang sa ibang bansa lalo na sa China. Malalaki ang mga bawang na inaangkat, subalit kulang sa bango dahil ang mga ito ay ” genetically modified”. Ang produktong bawang sa Pilipinas ay naiiba. Maliit man ang mga ito ay mabango pag ginagamit sa pagluluto.

 Dahil sa malawakang paglipana ng mga inaangkat na bawang sa pamilihan, nabahala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) sa pamumuno ni Engr. Rosendo So na Chairman din ng Abono Partylist. Ang Sinag ay nananawagan sa mga mamimiling Filipino na tangkilikin ang mga lokal na produksyon ng bawang upang mapanatili ito bilang industriya sa sakahan at makatulong din sa  pangkabuhayan ng mga magsasaka.

 Noong 2014, nagkaroon na ng pandinig sa Senado ang kartel ng bawang. Sa pandinig na yaon, natukoy ang may hawak sa kartel. Ito ay ang Phil. Vieva Group of Companies na pagmamay-ari ni Lilia Cruz o Leah Cruz. Nakapag-angkat ng bawang ang nasabing kumpanya na walang kaukulang akreditasyon mula sa pamahalaan. Dahil dito nakikita ng Sinag ang sabwatan ng Bureau of Plant Industry (BPI) at ni Cruz. Matatandaan na ang presyo ng bawang noong 2014 ay pumalo sa P287 kada kilo.

 Bakit nga ba hindi matigil ang kartel ng bawang? Sino ang mga nagtatamasa nito? Bakit hindi masawata ng BPI at iba pang ahensiya ng pamahalaan? Hanggang ngayon, nandiyan pa rin ang kartel na ikinadismaya ni Senador Cynthia Villar, ang Chairman ng Senate Committee on Agrikulture. Sabi ni Villar na hindi pa rin tayo natuto pagkaraan ng masusing imbestigasyon sa Senado noong 2014. Sabi pa niya, kailangan ng matigil ang kartel ng bawang dahil kung hindi ito matugunan, masisira na ang industriyang ito at mamamayagpag ang mga kumpanyang nagtatamasa ng milyong kita dito.

 Umaksyon na ang Department of Agriculture (DA) dito. Noong Hulyo 12, ” blacklisted na ang Phil. Vieva Group of Companies at iimbestigahan ang mga mahigit pang 100 na kumpanya na baka kasabwat sa kartel. Nagkaroon na rin ng malawakang paghikayat sa mga magsasaka na magtanim ng bawang (pati na sibuyas) sa pamamagitan ng pagtuturo ng makabagong paraan sa pagtatanim at pagbibigay ng mga kaukulang tulong gaya ng puhunan at mga butong gagamitin sa pagtatanim.

 Sa kabilang banda, naghikayat din ang Sinag na makipag-ugnayan ang DA sa mga “state colleges and universities” (SUCs) para tumulong sa mga magsasaka sa pagpapaunlad ng industriya ng bawang sa bansa. Sa mga Filipino naman, kailangan natin na tangkilikin ang mga produksyong lokal ng bawang. Tulungan natin ang ating pamahalaan tungkol dito. Huwag na nating tangkilikin ang mga dayuhang produksyon upang makitil ang pananamantala ng mga mala-demonyong negosyante na may hawak ng kartel sa bawang at iba pang produktong agrikultura sa bansa.

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Duterte bars use of ‘honorables.’ display of government portraits ASEAN forums to roll in Pangasinan schools, barangays

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: