EDITORIAL:   PuLEE’S Pangasinan No.1!

July 17, 2017 at 8:45 am Leave a comment


Kamakailan lang, inilunsad ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO) ang isang programang “PuLEE’S Pangasinan No. 1” na naglalayon na ang mga kasapi o kawani ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ay maging  “Laging Ehemplo at Epektibo”. Ang programa kung susuriin ay hango sa apelyido ng kasalukuyang PNP Provincial Director Ronald Oliver Lee na itinalagang permanenteng Provincial Director (hindi na siya Officer in Charge) ng pamunuan ng PNP nasyonal sa ilalim ni Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

 Maganda ang hangarin ng programang ito lalo na’t ang PNP ay kasalukuyang nililinis ang kanilang hanay. Hindi maikakaila na may mga pulis na abusado sa kanilang tungkulin na nagbibigay bahid sa buong PNP. Mabuti na lang na dito sa Pangasinan, nakopo ng bayan ng Calasiao ang ” Outstanding Police Station” sa buong bansa sa pamumuno ni Chief of Police Charlie D. Umayam. Ang pagkakamit ng karangalan ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga pulis sa Pangasinan upang sila ay maging ehemplo o huwaran sa mga kapwa pulis at maging epektibo sa pagsasagawa ng kanilang mga katungkulan.

 Kung nagawa ng Calasiao Police Station na naging ” outstanding”, magagawa rin ito ng iba pang mga bayan kung isaalang-alang nila ang kanilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin. Isa sa mga pinapaigting ng PNP ay ang pagpapalakas sa kanilang “community relations” o pakikipag-ugnayan sa mga komunidad. Ito ay isang paraan upang mapalapit ang mga tao o komunidad sa mga pulis lalong lalo na sa pagpapatupad ng “peace and order” sa mga sambayanan.

 Subalit may malaking hamon ang PNP sa Pangasinan. Sa digmaan sa iligal na droga, tatlo pa lang ang mga bayan at isang siyudad ang naideklarang ” drug cleared”. Ang mga ito ay ang bayan ng Agno, Sto. Tomas at Laoac at sa siyudad naman ay ang Alaminos. Malawak ang Pangasinan. Mayroon itong 44 mga bayan at apat na siyudad. Ibig sabihin niyan, mayroon pang 41 na mga bayan at tatlong siudad ang dapat “drug cleared”. Pero marami pa rin ang nagtataka kung ano ba talaga ang mga pamantayan sa pagdideklara ng “drug cleared municipality and city”? May “oversight committee” na naitalaga tungkol dito sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Interior and Local Government (DILG) at PNP. May mga naitalagang batayan upang ang mga bayan at siyudad ay maideklarang “drug cleared”.

 Ang hamon sa PNP Pangasinan ay ideklarang “drug cleared” ang lahat ng mga bayan at siyudad hanggang Disyembre sa taong ito. Ang malaking katanungan ay kung magagawa ba ito ng PNP, PDEA at DILG? Kung nakatuon lang ang mga ito sa mga “drug users at pushers”, hindi ito mangyayari hanggang di mahuli ang mga “high value targets” (HVT) na pinamumunuan ng mga pulitiko at mga opisyales ng barangay.

 Napapanahon na upang ang mga HVTs ay mahuli at makasuhan. Kung mangyayari ito, tiyak na ang masugpo ang paglipana ng mga iligal na droga. Sa pagkakataong ito ay kailangang pag-ibayuhin ng PNP Pangasinan ang kanilang operasyon na kinabibilangan ng mga ” ehemplo at epektibo” na mga pulis sa kanilang hanay.

 Ang pahayagang ito ay nakikiisa sa pamunuan ng PNP Pangasinan Office sa pagsulong ng programang ” PuLEE’S Pangasinan No.1.”

Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: No baranagay election in October? Sinag: Buy local garlic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 666,963 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,353 other followers


%d bloggers like this: