EDITORIAL :  Saan na patungo ang problema sa Bayambang Central School?

July 10, 2017 at 7:21 am Leave a comment


 Masalimuot ang nangyari sa Bayambang Central School matapos na ito ay ipinagpalit ito sa nagngangalang Willy Chua ng pamahalaang lokal ng Bayambang noong 2010 sa ilalim ni dating Mayor Ricardo Camacho. Ang dahilan diumano sa pagbebenta ay upang gawin itong “transport terminal” at pagtatayuan ng isang “mall”. Ang nasabing paaralan ay may lawak na 3.2 ektarya na matatagpuan sa Zone 2 Poblacion ng bayan.

Image result for BAYAMBANG CENTRAL SCHOOL

The controversial demolished concrete wall of the Bayambang Central School. Photo Credit: Day Watch

 

Ipinagpalit ito sa 2.3 hectare na lupa ni Chua sa Bical Norte, kund saan  nagpatayo na siya ng school building. Ang lupa ay nabili niya sa halagang P150,000. Pero, ang lupa ay nasa loob ng Camp Greg Military Reservation, na hindi maaaring ibenta  sa pribadong tao o sa lokal na pamahalaan.

  Sapilitang inilipat ang mga mag-aaral at guro dito noong Nobyembre 2012. Iniwan na ang lumang campus ng Bayambang Central School. Umalma ang mga magulang. Ayaw nila sa bagong gawang gusali ni Chua dahil malayo ito. Subalit wala silang nagawa. Kinatigan ng Court of Appeals ang aksyon ni dating Mayor Camacho.

Natengga ang gustong mangyari ng mga magulang at mamamayan. Tila wala na silang magagawa sa problemang bumabalot sa Bayambang Central School. Namayani ang pag-aari ni Chua sa lumang kinatitirikan ng paaralan. Ito ay kanyang binakuran noong Agosto 9, 2016 ng naglabas ng utos ni Judge Hermogenes Fernandez ng Regional Trial Court Branch 56 ng Writ of Execution noong Hunyo 27, 2016. Naging pinal ito noong Hulyo 23, 2016.

Pagkatapos ng panunumpa ng bagong halal na Mayor Cesar Quiambao noong Hunyo 30, 2016, isa sa kanyang ginawa ay ang pag-file ng “preliminary injunction” sa Korte noong Agosto 30, 2016 dahil diumano ang pagkuha sa lupa ng paaralan ay may halong katiwalian. Kinatigan ito ng Korte sa ilalim ni Judge Fernandez sa kanyang kautusan noong Setyembre 5, 2016.

 Ayon sa kanyang kautusan, naging “status quo” ang pag-aari sa lote ng Bayambang Central Schoolhanggat hindi matapos ang pandining sa “preliminary injunction”. Ibig sabihin nito hindi pa rin pag-aari ni Chua ang nasabing ari-arian.

 Sa ngayon, naniniwala si Mayor Quiambao na mananalo ang lokal na pamahalaan ng Bayambang at mababawi nila ang lote ng Bayambang Central School kay Chua. Ayon sa kanya, isa sa mga dahilan ng kanilang pagkapanalo ay mag-reretiro na si Judge Fernandez na humawak sa kaso. Magkakaroon ng bagong huwes na hahawak sa nasabing kaso.

 Saan patungo ang Bayambang Central School? Kung ibalik ito sa pamahalaang lokal ng Bayambang, nangangahulugan ng tagumpay ng mga magulang na kumontra sa paglipat nito. Nangunguhulugan din na sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Quiambao, ang kabutihan at kapakanan ng kanyang sinasakupan ang nangingibabaw- na walang bahid pulitika at pansariling interes.

Advertisements

Entry filed under: News.

Villasis to create public order and safety office CORTEZ: Sen. Legarda on why we need more scientific researchers

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 634,340 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,342 other followers


%d bloggers like this: