EDITORIAL    Ang Pangasinan sa unang taong  paunungkulan ni Gob. Pogi Espino

July 4, 2017 at 9:13 pm Leave a comment


 Lahat ng inihalal sa panunungkulan noong Mayo 9, 2016, mula Pangulo ng bansa hanggang sa mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod/Bayan ay nakaisang taon na sa kanilang mga pwesto pagkatapos na sila ay nanumpa noong Hunyo 30.

 Sa loob ng isang taon marami na ang umusad na pagbabago lalo na sa ilalim ng pambansang administrasyon. Nandiyan yong walang humpay na digmaan sa droga, pag-papaigting sa “peace and order”, pagpapalago ng agrikultura, pagsasagawa ng mga imprastraktura at iba pa. May mga pagbabagong nararamdaman sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tunghayan natin ang Pangasinan sa ilalim ng administrasyong Pogi Espino. Ano na ba ang pagbabagong nangyayari sa loob ng lalawigan pagkatapos ng isang taon? Naisagawa ba ang mga pangakong dapat gawin ayon sa mga plataporma ni Espino noong halalan? Siya nga ba ay nakalabas na sa anino ng kanyang ama na si dating Gobernador Amado T. Espino Jr.?

Tinutukan ng patnugutan ng pahayagang ito ang administrasyong Espino upang tingnan ang kanyang gagawin at mga isinagawa sa kanyang pamamahala sa loob ng isang taon. Nakita namin ang mga pagbabago. Nakita rin namin ang sinseridad ng administrasyong Pogi Espino na isulong ang mga programa at proyekto sa pag-papaunlad ng Pangasinan at pagbabago sa kabuhayan ng bawat Pangasinense. Bagamat nandiyan pa rin ang pait na dulot ng pulitika sa nakaraang halalan, ang pagsulong ng mga dapat na gawin ng lokal na pamahalaan ay patuloy na isinasagawa.

Sa agrikultura, nagunguna pa rin ang Pangasinan sa produksyon ng palay at mais. Nakuha na naman niya ang ” Best Province on Rice Production” sa buong Rehiyon I.Ito ay dahil sa malawakang ugnayan sa mga pamahalaan ng bayan at siyudad at sa pagbibigay ng mga serbisyong teknikal sa mga opisinang pang-agrikultura.

Sa pangkalusugan ay namamayagpag ang “I love Pangasinan Pangkalusugan Caravan”. Ang layon nito ay upang iparating sa liblib na pook ng lalawigan ang serbisyong pangkalusugan. Ang “health teams” ng Pangasinan Health Office ay pumupunta sa mga bayan upang ibigay ang serbisyo sa mga mamamayan.

Sa larangan ng turismo, patuloy ang pagdagsa ng mga lokal at banyagang turista sa mga pangturistang destinasyon gaya ng Hundred Islands, mga beaches sa Lingayen, Dagupan, Dasol, Burgos at San Fabian. Kasama na diyan yong pagdagsa sa Our Lady of Manaoag Shrine. Napaigting din ang mga kapistahan dahil sa “One Town, One Product”. Sa Hulyo 5 ay magkakaroon ng Asia CEO Forum sa Dusit Thani Hotel sa Makati upang pag-usapan ang mga oportunidad sa “investment areas” ng Pangasinan.

Marami ang mga isinusulong na pagbabago sa ilalim ng administrasyong Espino. Ang kahangahanga dito ay ang pagpapalakas ng ugnayan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Kamakailan lang isinagawa ang LGU- Unity Games na kinabibilangan ng mga opisyales ng mga bayan at siyudad. Sa ugnayang ito ay mapapalakas ang pagbibigay ng suporta sa mga pamayanan na labas sa mga hangaring pampulitikal.

Marami pa ng mga naisulong na programa na dapat bigyan ng pansin sa ilalim ng administrasyong Espino gaya ng pangkabuhayan, imprastraktura at iba pa. Sa mga larangang ito ay nakita rin namin ang mga pagbabago.

Ang pahayagang ito ay pumupugay sa administrasyong Espino at sa lahat ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa kanilang isang taong serbisyo. Sana magpatuloy ang mga inihandang pagbabago sa pagsulong ng kaunlaran ng Pangasinan.

Advertisements

Entry filed under: News.

LURING BLOOD DONORS MAGANES: Spiritual counseling of drug surrenderers under Oplan Tokhang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 666,666 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,353 other followers


%d bloggers like this: