CORTEZ:Pacquaio talo. Horn, bagong WBO Welterweight Champion

July 4, 2017 at 6:49 pm Leave a comment


brando-maso
 
“Isa­uli ninyo iyang property. Otherwise, I would tell the Filipino people, go there and occupy your property,”Mayor Rody Duterte.
 
Ang ibig sabihin ni Mayor Rody ay kapag mahihirap ang iskwater…kayang kayang paalisin ng korte na may gamit pang police.
 
Pero kung kasing yaman ng Rufino Prieto Group ang iskwater…ay hindi mapaalis ng korte at ng police.
 
Unang ibinulgar ni Boobi Tiglao ng Manila Times ang iligal na pag-occupy ng pamilyang Rufino-Prieto sa Mile Long Property dahil pinaaalis na sila ng korte.
 
Ang pamilyang Prieto ang may-ari ng newspaper na Philippine Daily Inquirer.
 
Ang pamilyang Prieto din ang may ari ng Dunkin Donuts.
 
Ang sinasabi ni Mayor Rody ay hindi nagbabayad ng buwis ang mga Prieto sa paggamit nila sa Mile Long Property na pag-aari ng gobyerno.
 
Ang National Power Corporation  (NaPoCor) ang tunay na may-ari ng Mile Long Property na 2.9 hectares ang lawak.
 
Ang property ay ipinaupa sa pamamagitan ng Technology Resource Center Foundation sa Sunvar Realty Development Corporation na pag-aari ng mga Rufino.
 
Ang TRCF ay kontrolado noon ni Imelda  Marcos na kaibigan ng mga Rufino.
 
Ang Mile Long Property na 29,000 square meters ay maganda ang lokasyon  na nasa ­Legazpi Village.
 
Ang value ng Mile Long Property ay nasa 6 billion pesos.
 
Noong 2002 sa administrasyon ni Pangulong Gloria Arroyo nasabihan ang Prieto Rufino Group na wala nang renewal ang lease contract ng lupa.
 
Hindi umalis ang Rufino Prieto Groupsa Mile Long property kahit tapos na ang kontrata nila.
 
Pero, tuloy-tuloy pa rin ang collection nila ng renta mula sa mga umuupa sa Mile Long Property.
 
Si Mayor Erap Estrada ang unang nagpaimbestiga sa kalagayan ng Mile Long Property.
 
Pinapatalsik ng gobyerno ang Rufino Prieto Group pero  hindi sila umaalis.
 
Rufino Prieto Group lang ang nakikinabang.
 
Maraming makikinabang na pamilya sa halagang  tatlong bilyon.
 
“Private respondent’s continued possession, up to this day, without payment of rental or any other kind of consideration, is a blatant display of public respondent’s utter disregard of petitioner’s rights over their property, which has caused losses to the government, not only in the hundreds of pesos but in the hundreds of millions of pesos. These earnings would have benefited many and not just one family,” sabi ng gobyerno sa kanyang pahayag.
 
Sinasabi ni Tiglao na may P3 billion ang utang na buwis  ng Rufino Prieto Group sa gobyerno.
 
Ang tatlong bilyon na utang ng Rufino Prieto Group ay hindi pagbabayad ng tax sa Mile Long property na nagkakahalaga ng 1.8 billion.
 
Ang 1.8 Billion ay mula sa computation na P360 per quare meter per month na utos ng korte kahit na ang present rental rate na P50,000 per month.
 
Naging P3 billion ang hindi binabayaran ng Rufino Prieto Group dahil sa hindi rin pagbabayad ng tax ng Dunkin Donuts na nagkakahalaga ng 1.5 billion ayon kay Mayor Rody.
 
Ang Rufino Prieto Group ay kumukulekta sa mga sumusunod na kumpanya: operators of Premier Cinema, Mile Long Arcade, Makati Creekside Building, The Gallery Building and Sunvar Plaza. 
 
Ang mga kumpanyang ito naman ay may mga tenant din.

 
Around 400 store ang kinukulektaha ng Rufino Prieto Group kahit pinatalsik na sila ng korte sa Mile Long Property.
 
Ang direktang kita ng Rufino Prieto Group ay ang parking fee sa napakalawak na parking area.
 
Eto naman po ang isang computation ni Tiglao sa figure na 3.6 billion.
 
“If we assume that the average rent in Mile Long from 2002 to 2016 was P1,000 per sq. m. per month (P20,000 for a store), the Rufinos would have earned P3.6 billion, with their Sunvar not paying any rent to government during this period,” sabi ni Tiglao.
 
PACQUAIO VS HORN VIA DZBB TWITTER. IBA DIN ANG SUMUBAYBAY SA TWITTER KUNG BOKSING ANG PINAG-UUSAPAN.
 
Halimbawa, makikita mo ang “nagpaulan ng suntok!” o kaya naman ay “Pacquiao, duguan ang ulo.”
 
“Pacquiao tinamaan ng malakas na suntok!” “bahagyang nadulas at napaupo.”
 
 
ROUND 1: Jeff Horn, nagpaulan ng sunod-sunod na sundok sa pagsisimula ng round.
 
ROUND 2: Manny Pacquiao, mas naging agresibo sa second round; Horn, ilang beses na yumapos kay Pacquiao.
 
ROUND 3: Jeff Horn, nagtamo ng sugat sa kanang mata matapos tamaan ng suntok ni Pacquiao.
 
ROUND 4: Parehong agresibo sina Pacquiao at Horn; Pacquiao, tinamaan ng malakas na suntok.
 
ROUND 5: Pacquiao, nagpakawala ng sunod-sunod na kaliwang suntok bago matapos ang round; Mga taga-suporta ni Horn, sumisigaw ng “Hornet”.
 
ROUND 6: Manny Pacquiao, bahagyang nasugatan sa kanang bahagi ng kanyang ulo dahil sa “accidental head-butt”.
 
ROUND 7: Referee, sumigaw na naman ng “accidental headbutt” sa ikalawang pagkakataon; Pacquiao, duguan sa ulo.
 
ROUND 8: Manny Pacquiao, agresibo sa pagsisimula ng round; Horn, bahagyang nadulas at napaupo.
 
ROUND 9: Pacquiao, nadomina ang round 9; Horn, duguan at maga na ang kanang pisngi.
 
ROUND 10: Horn, naka-recover sa round 10 pero kapansin-pansin na pagod na; Ilang beses ding yumapos kay Pacquiao.
 
ROUND 11: Pacquiao, nagpakawala ng sunod-sunod na kaliwang suntok; Horn, panay ang headlock kay Pacquiao.
 
ROUND 12: Horn, ilang beses tinamaan ng right hook mula kay Pacquiao sa round 12; Resulta ng laban, inaabangan na.
 
UPDATE: Inaanunsiyo na ang laman ng scorecard.
 
JUST IN: Jeff Horn, wagi via unanimous decision laban kay Manny Pacquiao; Horn, bagong WBO Welterweight Champion.
 
 
Advertisements

Entry filed under: News.

POISONED Dagupan honors beloved sons, daughters

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 664,810 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

July 2017
S M T W T F S
« Jun   Aug »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: