EDITORIAL   Makatwiran ba ang planong paglipat ng Dagupan City Hall?

June 26, 2017 at 9:31 am Leave a comment


Nagsisimula pa lang ang pagplano sa pagpapalipat ng City Hall ng Dagupan City ay marami na ang kumukontra dito. Plano ng pamahalaan ng siyudad sa ilalim ng liderato ni Mayor Belen T. Fernandez na ilipat ito sa Lucao District, sa isang lupain na donasyon ni Kerwin Fernandez (kapatid ni Mayor Fernandez) na may kabuuang sukat na 1.2 ektarya. Ang planong lugar na pagtitirikan ng bagong City Hall ay malapit sa Lucao-Pantal Road, isa sa mga “growth centers” ng siyudad sa ilalim ng bagong Comprehensive Land Use Plan (CLUP at Zoning Ordinance.
Sa planong paglipat ng City Hall, ayon sa pamahalaan ng Dagupan City, ay upang magkaroon ng bagong gusali at upang mapalawak ang dating kinatitirikan nito na maging sentro ng komersiyo ng siyudad. Maraming haka-haka ang lumalabas sa planong ito. Ang paglipat diumano ng City Hall ay upang mapalago ang mga ari-arian ng mga Fernandez na karamihan ay mga dating palaisdaan ng bangus na malapit sa bagong pagtitirikan ito. Ayon pa sa isang kritiko ni Mayor Fernandez, masisira raw ang kagandahan ng mga palaisdaan sa lugar na yaon at tataas ng pamasahe ng mga tao sa pagpunta sa bagong City Hall kung ito ay matutuloy.

Ang Dagupan City ay mayroong bagong CLUP at Zoning Ordinance na naging epektibo simula sa taong 2015 hanggang 2025 o sa loob ng sampung taon.Ito ay nakapaloob sa resolusyon ng Sangguniang Panlungsod No. 945, series of 2017. Masusing pinag-aralan ito ng mga empleyado at konsehal ng lungsod. Dumaan sa tinatawag na “public hearing”. Sa madaling salita, ang mga kailangang dokumento para aprubahan ito ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ay kompleto. Iyong sinimulan na CLUP noong 2003 ay naisantabi, bagkus binago ito ayon sa pamantayan ng HLURB at mga batas ng pamahalaan.
Ang isyu na inilalabas ng mga kritiko ng administrasyong Fernandez ay ito: Hindi makatwiran ang paglilipat ng City Hall dahil magkakaroon ng utang ang pamahalaan ng Dagupan City ng P500 milyon sa pagsasagawa ng bagong gusali. Hindi rin makatwiran dahil ang pagpasa ng CLUP ay may nakapaloob na kurapsyon na kinabibilangan ng mga opisyal ng siyudad. Hindi rin daw makatwiran ang pagpapalipat nito dahil ang makikinabang ay ang pamilyang Fernandez.
Malalim ang mga sinasabi ng mga kritiko. Hindi ba noong ginagawa ang CLUP at Zoning Ordinance ay kasali na sila? Bagamat may mga oposisyon sa pagpasa nito, nangibabaw ang mayorya sa mga opisyales dahil sa demokratikong pamamaraan. Ngayon, nais nila itong ipawalang bisa at pati ang nakaambang pagpapalago ng Dagupan City ay mapunta sa wala. Bakit hindi tingnan ang pagpapalipat sa City Hall sa mas mataas na antas ng argumento? Sabi nga, walang monopolyo ng karunungan (wisdom). Bakit di bigyan ng pagkakataon na ang karunungang iyan ng mga opisyales ng Dagupan City ang mangingibabaw? Sila ay halal ng mga tao at kapakanan ng mga tao at ang kabuuang Dagupan City ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Hindi kaya nangingibabaw ang pulitika sa mga kritiko nito? Huwag naman sana. Tingnan ang kabuuang kapakanan ng siyudad- sa ekonomiya, sa pangkabuhayan at iba pa. Alam ito ng mga kasalukuyang nanunungkulan sa Dagupan City.
Advertisements

Entry filed under: News.

Increased taxes blamed for shooting of BIR official’s car ORTIGOZA: We are screwed if they prevail

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 633,354 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,341 other followers


%d bloggers like this: