EDITORIAL:  Kalayaan

June 26, 2017 at 8:29 am Leave a comment


Noong nakaraang Hunyo 12, ipinagdiwang natin ang ika-119 na taong kalayaan ng Pilipinas. Nagsimula ito ng iwagayway ang ating watawat ni dating Pangulong Emilio F. Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 1898. Ipinagbunyi ng sambayanang Filipino ang natamong kalayaan mula sa pananakop ng Espanya ng mahigit na 300 taon.
Masarap namnamin ang natamo nating kalayaan mula sa pananakop ng Espanya. Subalit naging pansamantala lang ito nang ang ating bansa ay sinakop muli ng mga Amerikano sa pamamagitan ng Treaty of Paris noong 1898. Ibenenta ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos sa halagang US$20 milyon. Mula 1898 hanggang pumutok ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Estados Unidos. Tayo ay binansagang bansa na Commonwealth na ang ating Saligang Batas ng 1935 ay sinipi sa Saligang Batas ng Estados Unidos.
Pagkatapos ng digmaan, ibinigay ng Estados Unidos ang ating kalayaan. Noong Hulyo 4, 1946, iwinagayway muli ang ating watawat na nag-iisa. Wala na ang watawat ng Estados Unidos. Lubos na kalayaan ang ibinigay sa Pilipinas upang umusad ang demokrasya. Ang Pilipinas ang kaunaunahang bansa sa Asya na nagkaroon ng demokrasya sa mga panahong iyon.
Bagamat tayo ay estadong republika, ang kalayaang ating tinamo ay hindi pa lubos hanggang ngayon. May mga banta ng terorismo gaya ng nangyayari sa Marawi City (Lanao Del Sur) dahil sa gustong pananakop ng Maute Group at Abu Sayyaf na may koneksyon diumano sa Islamic State of Iran and Syria (ISIS). Ang banta ng ating kalayaan ay nagbungsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Batas Militar sa buong Mindanao.
Ang kalayaan ng bawat Filipino ang nangunguna sa “Bill of Rights” ng ating 1987 Saligang Batas. Nakasulat doon ang karapatan ng bawat Filipino- karapatang hindi dapat isalaula at ipagwalang bahala ng ating mga namumuno. Oo nga’t 119 na taon na ang ating kalayaan, marami pa ang dapat maalis na tanikala sa karamihang Filipino. Kailan naman kaya tayo lalaya sa matinding kahirapan? Kailan kaya tayo lalaya sa kuko ng mga gahamang pulitiko na nagpapariwara sa kaban ng bayan? Kailan tayo lalaya sa mga kurapsyon at mga uri ng karumaldumal na kriminalidad? Kailan tayo lalaya sa mga mapang-aping mayayaman? Kailan kayo tayo lalaya sa mga ilegal na droga at mga abusadong nagtratrabaho sa ating pamahalaan?

Maraming katanungan ng bawat isang Filipino. Hanggang ang mga katanungang iyan ay hindi masagot, ang ating kalayaan ay hindi pa lubos. Sa atin din magsisimula ang pag-alis ng mga tanikala sa ating lipunang ginagalawan. Ang tunay na kalayaan ay nasa ating pag-iisip at tunay na pagbabago sa ating mga pananaw sa buhay. Tayo rin ang magsusulong ng mga pagbabago ng ating lipunan. Simulan na nating palayain ang ating mga sarili sa mga tanikala ng kahirapan, kurapsyon at kriminalidad. Diyan magsisimula ang tunay na kalayaan.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: The blunders of Sen. Risa Hontiveros Increased taxes blamed for shooting of BIR official’s car

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 664,829 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,352 other followers


%d bloggers like this: