CORTEZ: ‘Go ahead, be my guest’

June 19, 2017 at 11:01 am Leave a comment


brando-maso
“Go ahead, be my guest. We will wait for you there. Walang problema. Bakit sunugin mo ang Marawi?
 
Last year pa lang, alam na ni Mayor Rody Duterte na kukunin ng Maute-ISIS ang Marawi City.
 
Actually, hinamon niya pa ang Maute na sunugin ang Marawi.  At tinotoo naman ng Maute!
 
Hindi totoo na yung failed arrest kay Abu Sayyaf Isnilon Hapilon ang dahilan ng gulo sa Marawi City.
 
May plano na kubkubin ang Marawi City at itayo ang ISIL o Islamic State of Iraq and the Levant.
 
Sa loob lang ng isang araw, mula alas dos ng hapon ng May 23 ay nakuha ng Maute ang Camp Ranao, Marawi City Hall, Mindanao State University, City Jail, Hospital.
 
Nakuha rin nila ang main street at sinunog ang Saint Mary’s Church, Ninoy Aquino School and Dansalan College.
 
Planado talaga ang lahat.
 
Mahigit tatlong weeks na ay hindi pa tapos ang labanan.  Hindi yata nauubusan ng supply ng bala at pagkain ang Maute group.
 
November 30, 2016, ay nagbigay ng babala si Mayor Rody Duterte sa Maute group na nagte-terrorize sa bayan ng Butig Lanao Del Sur
 
Ayaw ko makipag-away sa inyo. Ayaw ko makipag-patayan,  but please, do not force my hand. I cannot be forever traveling here every month para lang makipag-usapat pagtalikod ko patayan nanaman I do not want to mention anything, but please do not force my hand into it,” sabi ni Mayor Rody.
 
Nang makuha uli ng gobyerno ang Butig,nag-iwan diumano ang umatras na Maute Group ng sulat na puputulan nila ng ulo si Mayor Rody at ang mga militar.
 
Noong December 12, 2016, hinamon ni Mayor Rod yang Maute group na lusubin ang Marawi City sa speech niya sa harap ng  Wallace Business Forum Dinner.
 
“Itong Maute… It was carried by a Moro ambassador, former, sabi niya na, ‘Maghinto sila basta huminto ang military sa operation’,” sabi ni Mayor Rody.
 
Siyempre ayaw ni Mayor na pinagbabantaan dahil ang kanilang mission ay tugisin ang Maute group.
 
“Sabi ko, ‘No. You do not put any condition.’ Ako ‘yung gobyerno. Bakit ako maghinto? And then they threatened to go down from the mountains to burn Marawi,”  sabi ni Mayor Rody.
 
“Go ahead, be my guest. We will wait for you there. Walang problema. Bakit sunugin mo ang Marawi? Those are things that sabi ko, no. I am the government. Do not place conditions on my shoulder,” dagdag ni Mayor Rody.
 
Bok Nani Braganza, mukhang pareho sa Marawi City yun paglusob ng MNLF sa Zamboanga City.
 
Pero mas mabilis niyong natapos ang Zamboanga crisis.
 
Mas complicated ngayon dahil hometown ng Maute ang Marawi City at Muslim-dominated pa.
 
Ang Marawi City ay kilala sa kaniyang underground economy. eighty percent ng economy niya ay underground.
 
Meron legal na underground economy at meroong illegal na underground economy.
 
May trading ng mga legal goods at commodities pero may trade din ng illegal goods at commodities.

 
May illegal drugs, may gun running, fake na pera, fake na kung anu-ano sa Marawi City.
 
Ayon sa ating kaibigan doon, sa Marawi City din naka-base ang gun-for-hire groups, kidnapping groups at iba pa.
 
Dahil sa pangyayari sa Marawi ay nagdeklara ng 60 days na Martial law sa buong Mindanao si Mayor Rody.
 
“Whereas today, 23 May 2017, the same Maute terrorist group has taken over a hospital in Marawi, Lanao del Sur, established several checkpoints within the city, burned down certain government and private facilities and inflicted casualties on the part of government forces and started flying the flag of the Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) in several areas, thereby openly attempting to remove from the allegiance to the Philippine Government this part of Mindanao and deprived the Chief Executive of his powers and prerogative to enforce the laws of the land and to maintain public order and safety in Mindanao constituting the crime of rebellion,” sabi ni Mayor rody sa isang statement.
 
JULY 4, 1946 INDEPENDENCE DAY. Ang Pilipinas ay naging colony ng Spain sa loob ng tatlong daang taon as in three hundred years. Ang tagal ano?
 
Noong Ausgust 1896 ay naglunsad at nagtaguyod ng giyera para sa kalayaan ng Pilipinas na pinagunahan ng mga nakapag-aral, may pera, may lupang mga Pilipino.
 
Ang mga ipinakilala sa atin na may kontribusyon sa giyera laban sa spin ay mga may pera, may pinag-aralan at may lupain tulad nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo at iba pa.
 
Nagdeklara ng kalayaan ang revolutionary government ni Aguinaldo noong June 12, 1898 pero hindi ito kinilala ng Spain. hindi din ito kinilala ng Umited States of America.
 
Unilateral ang deklarasyon ng kalayaan ni Aguinaldo kaya useless kasi walang ibang bansang kumilala sa kanyang deklarasyon.
 
Parang ang unilateral na deklarasyon ng ceasefire ng gobyerno laban sa CPP/NPA… tuloy pa rin ang laban kasi unilateral. One sided lang. Dapat bilateral.
 
Dahil sa Treaty of Paris, ang Pilipinas ay naging colony ng United States of America noong 1898. Ibig sabihin ay hindi pa malaya ang Pilipinas.
 
Nagkaroon ng giyera ang Pilipinas laban sa United States of America sa loob ng tatlong taon kasi hindi nila kinilala ang Treaty of Paris.
 
Ang Treaty of Paris ay naglipat sa Pilipinas sa pagiging colony ng Spain patungo sa pagiging colony ng United States of America.
 
Ang isang pangyayari ay ang Battle of Manila Bay kung saan maraming Pilipino ang namatay dahil hindi kaya ng mga sundalo ni Aguinaldo ang US expeditionary forces.
 
Sa totoo lang, natalo ang Pilipinas sa battle of Manila Bay.
 
Matagal din tayong naging colony ng Unites States. Dahil kinikilala ng ibang bansa na tayo ay colony… binomba ang Pilipinas ng kaaway ng US.
 
Nadamay ang Pilipinas sa giyera ng Japan laban sa United States dahil ito ay colony.
 
Nagkaroon ng mga Pilipinong war veterans na ang ipinaglaban ay ang bandila ng United States of America.
 
Advertisements

Entry filed under: News.

BOTCHED KAKANEN TRADE FAIR OPENING

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 656,605 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,348 other followers


%d bloggers like this: