EDITORIAL: Pitumpo’t taon na ang Dagupan City

June 16, 2017 at 7:08 am Leave a comment


Makasaysayan ang siyudad ng Dagupan. Ito ang kaunaunahang siyudad sa Pangasinan dahil sa mabilis nitong pag-unlad. Naging tanyag rin ito dahil sa produksiyon ng “bangus” na kakaiba ang lasa at hugis. Ang bangus o tinatawag na “Bonuan Bangus” ay kilala sa buong mundo. Kung ihahambing sa mga ibang bangus na produksiyon sa mga ibang lalawigan ng bansa, ang “Bonuan Bangus” pa rin ang nangingibabaw. Sa paglipas ng panahon, ang siyudad ng Dagupan ang naging sentro ng kalakalan sa buong Pangasinan.Naging tanyag pa ito nang maraming mga kolehiyo at unibersidad ang umusbong. Dito nag-aaral ang karamihang Pangasinense at mga karatig na lalawigan.
Naitatag ang siyudad ng Dagupan noong 1590 sa ilalim ng pamahalaan ng Espanya. May kabuuang sukat na 44.47 kilometro kuwadrado. Tinatayang may 171,271 na populasyon ayon sa 2015 census. Naging independenteng siyudad ito noong ika-20 ng Hunyo, 1947 sa ilalim ng Republic Act No. 170 na iniakda ni dating House Speaker Eugenio Perez sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Manuel Roxas. Sa taong ito, iseselebra ng mga Dagupeños ang ika-70 taong anibersaryo sa pagkatatag nito bilang siyudad sa kasalukuyang administrasyon ni Mayor Belen Fernandez. Maraming mga kaganapan ang gagawin sa pagselebra nito upang balikan ang kasaysayan ng siyudad- ang mga tagumpay, mga pagsubok at pagkalugmok sa mga natural na kalamidad.

Sa kasaysayan, ang siyudad ng Dagupan ang dinaungan ni Heneral Douglas MacArthur noong liberasyon ng ikalawang pandaigdigang digmaan. Nakatayo pa rin ang gusaling kanyang tinirahan sa loob ng Dagupan Central School na balak ni 4th District Rep. Christopher P. De Venecia na isaayos upang maging atraksiyon sa mga turista. Noong Hulyo 16, 1990, isa ang siyudad sa mga natamaan ng malakas na lindol na nag-iwan ng pinsala sa mga gusali at mga iba pang imprastraktura. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga Dagupeños, bumangon ito at muling nabuhay ang kalakalan at mga kolehiyo at unibersidad. Ang kooperasyon ng mga lokal na opisyal at mga mamamayan nito ang nanaig upang umusbong ang bagong panimula pagkatapos ng naturang kalamidad.
Maraming mga opisyal na ang dumaan sa pagpapaunlad ng siyudad ng Dagupan. May mga kanya-kanyang naiambag sa paglago nito. Bagamat hindi naaalis ang pulitika, nangingibabaw pa rin ang likas na pagmamahal sa siyudad ng mga opisyales at mga Dagupeños. Sa ngayon, ito ay nasa pamamahala ni Mayor Fernandez. Maraming pagbabago ang inaasahan lalo na at ito ay mayroon ng bagong Comprehensive Land Use Plan (CLUP) at Zoning Ordinance. Ang mga pagbabagong ito ang tinutunghayan ng bawat Dagupeño na umaasa sa pag-angat din ng kanilang kabuhayan.
Mapanatili kaya ng siyudad ng Dagupan ang tawag na “premier city of Region I”? Ang pagpapanatili nito ay hindi lang nakasalalay kay Mayor Fernandez kundi kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa liderato ni Vice Mayor Brian Lim at sa bawat isang Dagupeño.
Mula sa pahayagang ito, isang pagpupugay sa mga opisyal at mamamayan ng siyudad ng Dagupan sa pagdiriwang ninyo ng ika-70 taong anibersaryo.
Advertisements

Entry filed under: News.

MAGANES: Is Pangasinan vulnerable to terrorists’ attack? Bayambang has biggest budget among towns in Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 624,036 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

June 2017
S M T W T F S
« May   Jul »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,339 other followers


%d bloggers like this: